By Asec Goddes Hope Libiran
Sa mga nagsasabi na palpak at wala daw nagawa ang administrasyong ito, allow me, please, to remind these to you:
1. WALA NANG LAGLAG-BALA SA NAIA
2. WALA NANG UNLOADING INCIDENTS SA MRT-3. BAGO NA LAHAT NG RILES, BAGO NA LAHAT NG AIRCON, SMOOTH AT MABILIS NA ANG TAKBO NG TREN
3. HINDI NA PAPEL LANG ANG DRIVER’S LICENSE— CARD NA, AT VALID PA FOR ATLEAST 5 YEARS (dati 3 years lang)
4. DATI, WALANG PLAKANG INILALABAS PARA SA LAHAT NG URI NG SASAKYAN. KASO DITO, KASO DOON. Ngayon, MAHIGIT 3.2 MILLION PAIRS OF PLATES NA ANG NAI-PRODUCE AT NA-DISTRIBUTE NG LTO SA MGA 4-WHEELED VEHICLES. Ongoing naman ang production ng mga motorcycle plates alinsunod sa bagong batas.
5. Mula sa walong (

railway contracts lamang noong June 2016, naisara ng DOTr ang taong 2020 na may 32 RAILWAY CONTRACTS, at maaari pa itong madagdagan ng 20 pa na kontrata bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte at Secretary Tugade.
Narito ang ilan sa mga LONG-DELAYED PROJECTS na ngayon ay ginagawa na:
- ‘Yung METRO MANILA SUBWAY NA UNANG PLINANO NOONG 1973, matapos ang 40 years at anim (6) na administrasyon, ginagawa na ngayon
- ‘Yung LRT-1 CAVITE EXTENSION na na-aprubahan ng NEDA noong pang August 25, 2000, kung saan walang ni isang poste ang naitayo noong June 2016, full swing na ang construction
- ‘Yung MRT-7 na nai-submit sa DOTC noon pang August 27, 2001, kung saan wala ring naitayong ni isang poste noong June 2016, full swing na rin ang construction ngayon
- ‘Yung MANILA TO CLARK RAILWAY na na-plano noon pang 1993, kung saan walang ni isang kontrata o anumang physical progress noong June 2015, full swing na rin ang construction
- ‘Yung MINDANAO RAILWAY PROJECT na na-conceive pa noong 1950, kung saan noong June 2016 ay wala man lang completed feasibility study, NEDA Board approval, o kontrata, investment approved na ngayon
- ‘Yung COMMON STATION na ilang taon ding hindi umusad, full swing na ang konstruksyon ngayon
***TAKE NOTE: Ang investment na isinasagawa ngayon ng BUILD BUILD BUILD PROGRAM sa Railways Sector ay HIGIT NA MALAKI kumpara sa kabuuang railway investments ng Pilipinas IN THE LAST 50 YEARS COMBINED.
6. Nakapagtapos na ang DOTr at CAAP ng 121 Airport Projects simula July 2016. Kasama na dyan ang Bohol-Panglao International Airport, Mactan-Cebu, at termina 2 ng Clark. Ang Bicol International Airport naman na tatlong beses na nagkaroon ng geoundbreaking ceremony sa loob ng 11 taon bago ang June 2016, matatapos na ngayong taon.
7. Dati, TATLO lang ang air traffic radars ng Pilipinas. Ibig sabihin, 30% lamang ng kabuuang airspace natin ang nakikita at namo-monitor ng Civil Aviation Authority of the Philippines. Noong January 2018, naitayo ang Communications Navigation Surveillance / Air Traffic Management System, matapos ang mahigit isang dekadang delay. Dahil sa CNS/ATM, NADAGDAGAN TAYO NG SAMPUNG AIR TRAFFIC RADAR na nagbigay sa atin ng kapasidad na ma-monitor ang 100% ng Philippine air space.
8. Dati, sira-sira ang mga pantalan. ‘Yung ibang nasira ng Bagyong Yolanda, naiwang nakatiwangwang. Ngayon, mula July 2016, nakapagtapos na ang DOTr at PPA ng 424 seaport projects sa buong bansa, kasama na dyan ang pinakamalaking Port Passenger Terminal Building sa Pilipinas na matatagpuan sa Cagayan de Oro Port, pati na rin ang mga pantalan sa Ormoc, Tacloban, at Bohol na matagal nang nasira ng bagyo at lindol.
9. Noong 2016, wala pang 50% ang operational efficiency ng mga light house sa mga dalampasigan. Kulang na kulang sa navigational aid ang ating mga marinero. Ngayon, naiakyat na ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mahigit 90% ang operational efficiency ng mga light houses.
10. Dati, mas mabilis pa ang motor boat ng mga pirata o terorista sa ilang mga motor boats ng Coast Guard. Ngayon, MODERNO na at HIGH-TECH pa ang mga maritime at aerial assets ng PCG. Nagagamit nila ang mga ito hindi lamang sa pag-tanod sa ating mga baybayin, kundi pati na rin sa pagliligtas ng mga kababayan nating biktima ng mga aksidente sa karagatan, ng bagyo, sunog, baha, at iba pang uri ng kalamidad.
Marami pang iba. ‘Yan lang po muna ang masusulat ko ngayon. To be continued.

Good night, everyone. God bless us all.

#UNITEnotDIVIDE #CLARIFYnotCONFUSE #DOTrPH

#HealAsOne
*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.bluehost.com - FREE website transfer..
Latest
Tubag Bohol TopicsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=120814.0