TAPOS NA ANG LRT-2 EAST EXTENSION PROJECT!
News Release - Ngayong araw po ay pinasinayaan na ng DOTr at LRTA ang LRT-2 East Extension Project, na pinangunahan po ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sa loob ng dalawang dekadang paghihintay, sa wakas ay handa na 'ho magbigay serbisyo sa ating mga kababayan ang dalawang karagdagang istasyon ng LRT-2– ang Marikina-Pasig at Antipolo Stations.
Dahil sa LRT-2 East Extension, inaasahang aabot na lamang sa 40 minutes ang travel time ng ating mga kababayan patungo at paalis ng Recto hanggang sa Antipolo, kumpara sa kasalukuyang travel time na umaabot ng halos 3 oras kapag sakay 'ho ng jeepney o bus.
Bukod 'ho sa bilis ng biyaheng dulot nito, makakaya na din nitong iangat sa 320,000 ang kasalukuyang projected daily ridership ng LRT-2, mula sa kasalukuyang 240,000. 40% ‘ho ng pasahero ng LRT-2 bago mag-pandemya ay binubuo ng mga estudyante.
Dahil sa proyektong ito, mayroon din 'hong mga dagdag na trabaho ang inaasahang magbubukas para sa ating mga kababayan na naghahanap ng mapapasukan. Sa konstruksyon pa lamang ‘ho ng proyekto, mayroon na 'hong nasa 1,800 na mga trabaho ang naibigay sa ating mamamayan. At marami pa po ang magbubukas oras na maging operational ang proyekto. Ramdam ko 'ho ang hirap sa paghahanap ng trabaho sa gitna ng kinakaharap nating pandemya kaya't nakatitiyak ako na malaki ang maitutulong nito.
Sa wakas, ang LRT-2 Marikina-Pasig at Antipolo Stations, NAKARATING NA.
———-
Background:
* Ang plano para i-extend ang LRT-2 hanggang Antipolo ay naisama na sa Master Plan para sa Metro Manila noong 1999, sa ilalim ng Metro Manila Urban Integration Study (MMUTIS). Ang proyekto ay naaprubahan ng NEDA Board noong 04 September 2012, at ang konstruksyon ng viaducts ay nagsimula noong April 2015.
Ang actual at full blast construction ng dalawang (2) bagong istasyon (Marikina-Pasig and Antipolo) ay nagsimula noong 20 February 2017 (contract amount: P1.1 billion), samantalang ang kontrata para sa electromechanical systems (contract amount: P3.4 billion) ay nai-award noong 14 December 2018.
#BuildBuildBuild #LRT2 #LRTAworks #DOTr #ArtTugade #TaraNaSaAntipolo #Marikina #Pasig
*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.bluehost.com - FREE website transfer..
Latest
Tubag Bohol TopicsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=121505.0