Lazada Philippines aff_i?offer_id=3127&file_id=94990&aff_id=150634 - Anti-Power Line Disturbance Act - Philippine Government

normal_post - Anti-Power Line Disturbance Act - Philippine Government Author Topic: Anti-Power Line Disturbance Act  (Read 304 times)

MIKELIGALIG.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • avatar_1382_1499847132 - Anti-Power Line Disturbance Act - Philippine Government
  • Posts: 22898
  • medal1 - Anti-Power Line Disturbance Act - Philippine Governmentmedal2 - Anti-Power Line Disturbance Act - Philippine Governmentmedal3 - Anti-Power Line Disturbance Act - Philippine Government
  • NEED A WEBSITE? email me: info@mikeligalig.com
    • Share Post
xx - Anti-Power Line Disturbance Act - Philippine Government
Anti-Power Line Disturbance Act
« on: March 17, 2018, 10:10:01 AM »
REP. CARLOS ROMAN UYBARRETA
1st Consumers Alliance for Rural Energy Party-list (1-CARE)
Vice Chair, Committee on Energy
Member, Appropriations, Constitutional Amendments, and 7 other Committees
Mobile: 0917-729-2437
Unahan ang Tag-ulan

ELECTRIC COOPS, TIWALANG ISUSULONG NG SENADO ANG ANTI-POWER LINE DISTURBANCE ACT BAGO PA MAG-TAG-ULAN

Naniniwala ang party-list representative ng mga electric cooperatives na pagtutuunan ng pansin ng Senado ang pagsasabatas ng House Bill 6276 (Anti-Power Line Disturbance Act) na naglalayong tugunan ang mga palagiang dahilan ng power blackout sa bansa tuwing panahon ng tag-ulan at mga bagyo.

“Umaasa akong makakapagpasa ang Senado ng bersyon nito ng HB 6276 bago pa mag-Hulyo para naman may panahon pa ang mga electric cooperatives at iba pang distribution and transmission utilities na alisin ang mga sagabal sa mga linya ng kuryente,” panawagan ni Rep. Carlos Roman Uybarreta ng 1-CARE Party-list.

Pasado na sa third and final reading ng House of Representatives ang HB 6276 noon pang September 25, 2017 at ipinadala ito sa Senado noong September 27.

“Senator Win and I, together with Chair Lord Velasco had a meeting last Wednesday evening and among others we agreed to hasten the passage of certain legislation affecting the energy sector for the betterment of the general public, and one of those legislation is the Anti-Power Line Disturbance bill,” sabi ni Uybarreta.

Si Senator Sherwin “Win” Gatchalian ang Senate Committee on Energy Chair; habang si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco naman ang Chair ng House Committee on Energy.

Sabi ni Uybarreta, malaking bagay kung maaaprubahan ng Senado sa May 2018 ang Anti-Power Line Disturbance Act at maisasagawa agad ang bicameral conference committee upang umabot ang pagsasabatas nito bago pa manalasa ang mga bagyo ng Hulyo, Agosto, at Setyembre.

Dagdag pa ng 1-CARE Representative na, “daig kasi ng maagap ang masipag. Maiiwasan kasi ang mga brownout kung matatabas, maililipat, at maiaalis na ang mga sagabal sa mga linya ng kuryente habang wala pang mga bagyo.”

“Delikado para mga crew ng electric coops na sumuong sa gitna ng bagyo. Maaari naman kasing maagapan ang problema bago pa man ito mangyari,” paliwanag ni Uybarreta.

Nakapaloob sa HB 6276 ang mga probisyon na nagbibigay authorization sa pamahalaan at sa mga electric cooperatives na alisin ang mga sanga ng puno, gusali, bahay at iba pang istruktura na nasa ilalim, paligid, at tabi ng mga linya at poste ng kuryente dahil nagbabadya ito panganib at malamang maging sanhi ng pagkaputol ng daloy ng kuryente.

Sa Section 10 ng HB 6276, temporary restraining order (TRO) lamang mula sa Korte Suprema ang tanging makakapigil sa mga electric cooperatives at iba pang distribution & transmission utilities na para isakatuparan ang clearing operations sa ilalim at paligid ng mga linya ng kuryente.

Nakasaad din sa HB 6276 na kailangan hingin sa electric coop ang permiso nito bago maglabas ang lokal na pamahalaan ng building permit para sa pagtatayo ng anumang bahay, gusali, o istruktura sa ilalim o malapit sa mga linya ng kuryente. (WAKAS)

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=89347.0
Romans 10:9-10
"If you declare with your mouth, Jesus is Lord, and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. For it is with your heart that you believe and are justified, and it is with your mouth that you profess your faith and are saved."

personal015320100 - Anti-Power Line Disturbance Act - Philippine Government

pCloud Premium


Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via tumblr Share via twitter

xx
Anti-Hospital Deposit Law

Started by MIKELIGALIG.com on Philippine Government

0 Replies
204 Views
Last post January 04, 2018, 08:15:14 AM
by MIKELIGALIG.com
 

Booking.com

Latest Topics

When pigs fly from Davao City by islander
[December 10, 2018, 06:58:11 PM]


The marriage of business and politics by islander
[December 10, 2018, 06:51:43 PM]


Live the questions now by MIKELIGALIG.com
[December 07, 2018, 07:33:57 PM]


The Du30 Death Squads by islander
[December 06, 2018, 10:35:48 PM]


No to designer babies! by islander
[December 03, 2018, 06:22:38 PM]


Car-raan by islander
[December 03, 2018, 06:10:58 PM]


Fatal Accident in Albur, Bohol by islander
[December 03, 2018, 06:09:55 PM]


International Airport in Bohol by MIKELIGALIG.com
[December 02, 2018, 11:04:38 PM]


Poor Rappler by islander
[December 02, 2018, 05:52:27 PM]


Perfunctory by MIKELIGALIG.com
[December 02, 2018, 04:08:25 PM]

SMF spam blocked by CleanTalk
pCloud Premium
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2018, SimplePortal