THE HONORABLE BERNADETTE “BH†HERRERA-DY
Bagong Henerasyon Party-list
Chair, Committee on Public Information
AIRLINES, PINAALALAHANANG ASIKASUHING MABUTI ANG MGA PASAHERO
“Maging tapat lang dapat sa air passenger rights policy ng CAAP ang mga airlines, habang magbaon naman ng maraming pasensiya ang mga bumibiyahe,†panawagan ni Congresswoman Bernadette Herrera-Dy ngayong kasagsagan ng December travel season.
Sabi ni Herrera-Dy, “Batid naman na ng mga airlines na magiging maulan ang huling quarter ng taong 2017 dahil Oktubre pa lamang ay nagpalabas na ng La Niña warning ang PAGASA. Batid na rin nila na peak season ng pagbiyahe ang buwan ng Disyembre, ngunit bakit ngayon ay tila di pa rin naibsan ang aberya sa ating mga paliparan?â€
“Nakasaad naman na sa mga policy ng CAAP ang ng passenger rights. Kailangan na lamang itong ipatupad. Magdagdag ng mga tao sa airport at terminal gates kung kinakailangan at isa-praktika ang natutunan sa customer service training ng airlines,†ani Herrera-Dy.
“Responsibilidad naman ng mga pasahero na maging mapagpasensiya, huwag ma-late sa flight, magdala ng makakain kung sakaling ma-delay o ma-cancel ang flight,†aniya.
“Huwag nating hayaang pawiin ng pansamantalang aberya sa biyahe ang kasayahang dulot lagi ng Kapaskuhan,†pahayag ni Rep. Herrera-Dy, may-akda ng House Bill 6056 ukol sa air passengers’ bill of rights. (WAKAS)
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=88708.0