Daily Bible Verse

Provided by Christianity.com Bible Search

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Author Topic: LTFRB Service Contracting Program at Direct Cash Subsidy  (Read 275 times)

MikeLigalig.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 34033
  • Please use the share icons below
    • View Profile
    • Book Your Tickets on a Budget
LTFRB Service Contracting Program at Direct Cash Subsidy
« on: May 20, 2021, 11:18:01 AM »
*LTFRB PRESS STATEMENT*
20 May 2021

Nais bigyang linaw ng pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ilang pahayag na inilathala ni Mr. Arnold Clavio sa kanyang column at social media post noong ika-19 ng Mayo 2021, kaugnay sa disbursement ng pondo ng Service Contracting Program at Direct Cash Subsidy na pinangangasiwaan ng LTFRB, partikular na sa mga operator at drayber ng EDSA Busway.

Para sa kaalaman ng lahat, ang Libreng Sakay sa EDSA Busway sa ilalim ng Service Contracting ay nagsimula noong ika-7 ng Abril 2021 bilang tugon sa panawagan ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Art Tugade na tulungan ang ating mga kababayang healthcare workers, medical frontliners, at Authorized Persons Outside of Residence (APOR) na maihatid ng libre sa kani-kanilang mga trabaho sa gitna ng pandemya.

Sa huling tala ng LTFRB, umabot na sa 7,046,971 and ridership sa Libreng Sakay mula ika-29 ng Marso hanggang ika-19 ng Mayo, kasama na ang Libreng Sakay sa EDSA Busway

Upang matulungan ang ating mga drayber at operator, naglabas ng kautusan ang LTFRB noong ika-16 ng Abril na nagtataas ng halaga ng insentibong matatanggap ng mga drayber sa libreng sakay, base sa kada kilometrong biyahe. Base sa kautusan, ang bawat bus unit ay makatatanggap ng P82.50 kada kilometro mula orihinal na P52.50. Nagbibigay din ang LTFRB ng halagang P20,000 hanggang 25,000 na onboarding payment sa mga drayber na sasali sa programa. Maliban dito, kung ang isang drayber ay mag-la-log in sa sistema at bibiyahe ng limang beses sa isang linggo, maaari syang makatanggap ng karagdagang P7,000 weekly incentive mula sa LTFRB.

Kaugnay ng mga impormasyong ito, hayaan ninyong sagutin namin punto por punto ang mga sumusunod na paratang na nakasaad sa column ni Mr. Clavio:

*1. Hindi nababayaran ang mga bus operator ng EDSA Busway*

Hindi po totoo na hindi nababayaran ang mga operator at driver ng EDSA Busway. Sa tala ng LTFRB ngayong araw, ika-20 ng Mayo 2021, *nasa P156,694,046.42 na ang halaga ng weekly payout at one-time incentive ang naipamahagi ng LTFRB sa mga BUS DRIVERS*.

Mula sa kabuuang bayad na ‘yan, nasa *P140,458,451.63* ang naibayad sa mga bus drivers ng EDSA Busway, o 89.64% ng kabuuang weekly payouts.

Bukod diyan, naglabas din ng pahayag ang Mega Manila Consortium Corporation noong ika-12 ng Mayo upang linawin na nabibigyan ng weekly payout ang mga PUB drivers sa ilalim ng kanilang consortium.

*2. Ang Metro Manila Consortium Corporation lang ang grupong nabayaran ng LTFRB sa pagbibigay ng Libreng Sakay sa ilalim ng Service Contracting Program*

Hindi po totoo na Mega Manila Consortium lamang ang nababayaran ng LTFRB. Bukod sa MMCC, ang mga sumusunod na bus corporations/companies ay nabigyan na rin ng insentibo:

*Dela Rosa Transit Corp. -  P92,055.00*

*JAM Liner, Inc. -  P564,943.69*

*Philippine Tourister Inc. -  P2,074,833.75*

*Bataan Transit & Laguna Starbus -  P3,238,595.25*

*PAMANA Transit - P200,640.00*

Kasalukuyan namang ino-audit ang weekly payouts ng Saint Rose Transit Inc. at Laguna Starbus na nakatanggap din ng payout mula sa LTFRB.

*3. Mabagal ang pagproseso ng weekly payouts ng mga bus na nagbibigay ng libreng sakay sa ilalim ng Service Contracting Program*

Dahil sa bugso sa bilang ng mga Public Utility Vehicle (PUV) drivers na nais sumali sa programa, napagdesisyunan ng LTFRB na dagdagan pa ang mga empleyadong magpupursigeng mapabilis ang proseso sa pagbibigay ng weekly payouts sa mga PUB drivers.

*4. Marami ang hindi pa nakakatanggap ng Direct Cash Subsidy Program ng DOTr at LTFRB*

Hindi totoo na marami pa ang hindi nakatatanggap ng cash subsidy. *Simula nang ilunsad ang Direct Cash Subsidy Program noong Nobyembre 2020, nasa P1,017,822,000 halaga ng subsidiya ang naipamahagi sa 90,318 PUV operators. Ito ay kumakatawan sa 96.65% na disbursement rate para sa programa.*

Linawin lamang po namin na ang P6,500 na subsidiya ay ibinibigay sa bawat PUV unit na hawak ng isang operator, kung kaya maaaring higit pa sa P6,500 ang makuha ng isang PUV operator.

Ang subsidiya para sa mga PUV operator ay ibinibigay sa pamamagitan ng mga sumusunod:

-Pantawid Pasada Program (PPP) Cash Cards
-Landbank of the Philippines (LBP) account
-Over-the-counter (OTC) transaction
 
Ang buong hanay ng LTFRB ay kaisa ninyo sa adhikaing mabigyan ng ayuda ang ating mga operator at drayber na lubhang naapektuhan ng pandemya.

Batid namin na hindi madali ang proseso, unang-una dahil ang ganitong sistema ay ngayon pa lamang isinasagawa sa ating bansa. Napakarami pang kailangang ayusin, at napakarami pang pagbabago ang kailangang gawin bago ito tuluyang ma-perpekto.

Sa kabila nito, ang LTFRB ay hindi susuko. Kalakip ang tiwala, dasal at suporta ninyo, ng ating mga stakeholders, drayber at operator, sama-sama nating mapauunlad at maisasaayos ang kabuuang programang ito.

#LTFRB #ServiceContractingProgram
#DirectCashSubsidy


*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at www.bluehost.com - FREE website transfer..

Latest Tubag Bohol Topics



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=121231.0
John 3:16-18 ESV
For God so loved the world, that he gave his only Son (Jesus Christ), that whoever believes in him should not perish but have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but in order that the world might be saved through him. Whoever believes in him is not condemned, but whoever does not believe is condemned already, because he has not believed in the name of the only Son of God.

👉 GET travel tickets, hotel rooms and all travel needs at www.klook.com

GROW YOUR MONEY FASTER than bank deposits at www.coins.ph

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Tags:
 

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts