TS PAENG ASAHANG LALABAS NA SA PAR BUKAS HABANG ANG TROPICAL DEPRESSION PRE-QUEENIE, ASAHANG PAPASOK SA PAR SA LUNES.
UPDATE:Alas 3:00 ng madaling araw ngayong araw, tinantiya ang sentro ng Tropical Storm "PAENG" huling namataan sa baybaying dagat ng Sta. Cruz, Zambales na may lakas na hangin aabot sa 85 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 130 km/h. Kumikilos ito sa Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 30 km/h.
•Ang Tropical Storm PAENG ay tinatayang kikilos pakanluran o kanluran hilagang-kanluran ngayon sa ibabaw ng Philippine Sea bago lumiko at kikilos naman pahilaga hilagang-kanluran hanggang Martes. Sa track forecast, ang tropical cyclone na ito ay maaaring lumabas sa Philippine Area of Responsibility bukas ng umaga o hapon
•Inaasahang muling lalakas ang #PAENG at maging isang Severe Tropical Stom Category sa West Philippine Sea.
•Samantala ang tropical Depression Pre-QueeniePh naman huling namataan sa layong 1,385 km East of Northeastern Mindanao na may lakas na hangin aabot sa 45 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 km/h. Kumikilos ito sa Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 10 km/h.
•Ayon naman sa ipinakitang wind forecast map, maaari itong pumasok sa PAR region sa Lunes o Martes. At kikilos pa kanluran hilagang-kanluran, ay maaaring mangyari sa huling bahagi ng Martes o sa Miyerkules habang papalapit ito sa lugar ng dagat sa silangan ng Mindanao.
•Ang tropical cyclone na ito ay tinatayang mananatili bilang isang tropical depression hanggang Miyerkules, kung kailan ito ay humina bilang LPA sa landmass ng Eastern Visayas o Eastern Mindanao.
•Manatiling umantabay para sa mga pagbabago at karagdagang impormasyon ukol dito
Philippine Watch Western Pacific/Storm Update News
Get FREE 1024GB of cloud storage at
www.terabox.comLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=123402.0