Author Topic: Transcript of Interview of Senate President Vicente C. Sotto III  (Read 183 times)

jackielynjandayan

  • LUMINARY
  • ***
  • Posts: 4008
    • View Profile
Q: Magkakapihan ka bukas?

SP Sotto: Hindi ako pwede. Meron akong Batangas bukas.

Q: Anong oras yung Batangas mo po?

SP Sotto: Alas-siyete.

Q: (Unclear)

SP Sotto: Coconut farmers.

Q: Sa SEA Games po, hindi lahat ginagastos?

SP Sotto: That's not my point. Ang sinasabi ko, parang sumosobra tayo ng ating pananaw. Yung pananaw natin, ng mga kababayan natin tungkol dito na para bang kailangan ay napaka-hospitable natin, na ang mga preparasyon para sa mga pagkain, sa mga lodging at kung anu-ano, ay kailangan maganda at sagot natin sila. Hindi. Dapat yung bansa na nagpapadala ng team nila, sagot nila yung team nila. Ganun yung mga nakaraan. Ganun lahat yung mga napuntahan kong mga, yung games mismo ang sagot natin. Yung tournament ang sagot natin. Kaya nga madalas ang mga host countries, sila ang nagcha-champion, kasi lamang sila lagi. Kontrolado nila kung ano ang gusto nilang venue, kontrolado nila kung anong oras ang gusto nila, ganun lagi yun every year kaya lang nakakatakot nito, imbis na ang mangyari encourage natin ang mga athletes natin para mag-gold medal, hinahighlight natin yung mga petty details na hindi naman dapat. Kung umaangal itong mga kalaban, sana matalo sila. Yung mga kalaban, I mean, di ba? Atin na yung gold medal. Ganun ang ginagawa sa atin. Ang sinasabi ko, ginagawa sa atin yun, every two years ng iba't-ibang mga bansa. Kasama sa laban yun. Itong (unclear) palakasan na ito, parang gyera din yan. Parang laban talaga yan, hindi pwedeng mabutihan yan pag dating sa laban.

Q: Pero yung food daw, parang automatic na dapat sagot natin as host country?

SP Sotto: Bakit? Bakit nung kami, hindi? Bakit nung kami, yung NSA namin gumagastos sa pagkain namin.

Q: Saang bansa yun?

SP Sotto: Iba't-iba. Ang Malaysia, may Thailand, may Indonesia. Itong South East Asian Games na ito, hindi lahat all the time dapat sagot ng host country. Dahil kung sagot, okay, hospitable ang Pilipino, kaya siguro ginagawa natin yan, yung ibang bansa ginagawa rin yan pero not all the time. At hindi pupwedeng yung puro five star ang accommodation ng pagkain na ibibigay mo. Ibigay natin yun sa mga atleta natin, wag sa mga kalaban.

Q: Yung accommodation hindi natin sagot?

SP Sotto: Merong mga bansa na minsan nananagot nun, pero nung kami ang sinasagot, dinadala kami sa mga dormitory ng mga unibersidad. Pati dormitory, libre ng mga unibersidad, then ang ginagawa pa nga, ang paliguan namin, yung common. Common ang paliguan, merong para sa mga lalaki, merong para sa mga babae, ganun lang.

Q: Bakit kaya ganun? Ano yun, strategy na parang kinakawawa kayo?

SP Sotto: Hindi naman, pero palagay ko may kasama ng ganun yun. Kailangan ang mentality ng iba, whatever it takes, we want to win the gold. Ganun, ganun ang mentality ng ibang NSAs. Merong mga NSA na mababait, sa ibang bansa din, okay lang, sige tutal talo naman kayo sa amin, parang ganun, pero pagka yung mga NSA na medyo masikip, itong sinasabi ko, I am sure hindi aaminin ng ibang mga NSAs yan. Sasabihin nila hindi, hospitable kami, pero deep down inside them, they want to win. They want to win the gold for whatever it takes.

Q: You are saying yung mga reklamo nila ngayon, sinasadya nila yon to derail us?

SP Sotto: Hindi naman. Pwedeng strategy yan, bakit mag-iipon ipon ang mga coach, gagawa ng presscon, magrereklamo?

Q: Para mawala tayo sa focus?

SP Sotto: Parang ganun, Tingin ko, may suspetsang ganun.

Q: (Unclear) na pagdating nila nagcomplain sila (unclear)?

SP Sotto: Palagay ko gatong yun, may mga nanggagatong doon. Gatong yun, hindi tama yun. Nagrereklamo pala sila, eh di talo na sila. Gusto nilang ano, nagrereklamo pala sila, di wag silang sumali. Atin na yung gold.

Q: Hindi ba parang bastos yun for a guest to complain?

SP Sotto: Hindi na (unclear) masasabi yan bagamat gusto kong sumang-ayon sa iyo, kasi every other year, nangyayari ito sa South East Asian Games. Noon pa, nagrereklamo din naman kami. Pasok sa kaliwang tenga, labas sa kanan. Ang isasagot sa amin ng mga organizer, sige, we'll look into it, we'll look ito it. Pero wala, hindi nila gagawin yun. They are looking at their gold medal. So I think the focus now sa atin, ng mga atleta natin, at tayong mga kababayan, iencourage natin ang mga athletes natin na manalo ng gold. Wag nang Pakinggan yung mga reklamo ng kung sino-sino.

Q: Pero si Presidente parang disappointed dito sa mga issues, sa mga complaints, gusto niyang paimbestigahan?

SP Sotto: Imbestigahan natin. Ang problema kasi doon, kung ano yung nakarating kay Presidente, ano ang mga report na nakakarating sa kanya? Dapat naman talagang imbestigahan, lalo na pagdating doon sa funding. Meron tayong nilaan na budget para diyan, at the end of the day, dapat malaman natin kung paano ginastos yan. Okay tayo doon. Ang sinasabi ko, itong laban. Nandito tayo sa laban ngayon. Medyo alert tayo, wag tayong masyadong hospitable.

Q: Pero hindi ba malinaw na medyo fault natin na pinakain daw ng hindi halal food yung mga Muslim athletes? Kasi isa yun sa mga reklamo.

SP Sotto: Nangyari na rin yan sa ibang mga bansa na nangyari sa amin sapagkat hindi lahat ng caterer, hindi lahat ng nagseserve ng food ay alam na Muslim or hindi Muslim yung kanilang mga guests. Every now and then, nangyari yan. It should have been incumbent upon the NSA ng let's say a Muslim team, na may mga Muslim kami dito, we don't want food... Dapat sinabi nila. Kasi alam ko nung araw, tayo may atleta tayo na vegetarian, pinapaalam din nila kaagad na vegetarian yung ibang mga player namin, dapat maghanda kayo ng pagkain na... katulad ng mga reklamo na yan, nangyayari yan. There has always been complaints in all SEA Games to all host countries. Pero bakit kailangan dito sa Pilipinas, ihighlight natin yan?

Q: Ginawa na ba yun dati, ginawang strategy yung pagrereklamo para mawalan ng focus yung host country?

SP Sotto: Madalas. Madalas yan. Strategy ng (unclear) yan, na talagang pasakitin ang ulo ninyo.

Q: So both strategy ng host country and (unclear) yung pagrereklamo?

SP Sotto: Don't you recall the other SEA Games, yung basketball team ba natin o yung football team natin, late nilang pinadala yung bus? Pagdating doon, hindi nakawarm-up? You remember that? Strategy yun.

Q: So what you are saying, let's not be too kind?

SP Sotto: Hindi yun, I am not saying that we should not be too kind, I am saying that when it comes to the battle for the gold, we should not be too hospitable.

Q: Yung mga reklamo ng mga players, pwede silang magdahilan pag hindi sila makakuha ng gold, (unclear)?

SP Sotto: Oo. Totoo yan. Pagka hindi sila nanalo, sabihin nila, kasi ganito, kasi ganyan.

Q: We should not be too hospitable meaning?

SP Sotto: Kung ano yung dapat lang na ibigay na sagot natin, yun lang. May reklamo kayo, hindi ninyo gusto? Sorry. Gawin ninyo pagdating sa (unclear) kung ano sa tingin ninyo ang hindi namin ginagawa, pag dating sa host country, pag kayo naman ang host, then gawin ninyo rin.

Q: (Unclear) ang sagot natin as a host country?

SP Sotto: We want to win the gold.

Q: For them, for the foreign athletes?

SP Sotto: Syempre, ang sagot natin diyan, okay, we will ask the Phisgoc to trouble-shoot. To trouble-shoot all the problems. Syempre, ganun ang sagot. And we will ask of course the organizing committee to look ito these complaints but we should not allow it to anchor us down because of these complaints. Kung minsan, strategy yan.

Q: Hindi ba tayo ang pinaka-palpak na host?

SP Sotto: Hindi, tayo ang pinaka-hospitable. Tayo ang pinaka-hospitable na host.

Q: Yun ang mali sa pagiging hospitable natin?

SP Sotto: Hindi naman, hindi ko naman pwedeng sabihin na mali yun, ang sinasabi ko, whatever is happening, kung ano man yung lumalabas na yan, wag masyadong pansinin yan, importante manalo muna tayo ng gold medal. At kung pwede, manalo tayo ng over-all sapagkat host country usually wins the over-all championship.

Q: May experience tayo na normal talaga ito sa lahat ng host?

SP Sotto: Very normal. Lahat ng naghohost, laging may reklamo. Merong blunder. Lahat ng naghohost na country, every two years, tingnan ninyo, and every four years sa Asian Games, and every World Cup, and every President's Cup that I have attended, laging may complaint sa host country. Hindi nawawalan yan, hindi rin nawawalan ng blunder. This is not limited to the Philippines. Kaya ang sinasabi ko, meron naman tayong organizing committee to address these complaints but we should all focus and encourage athletes to win the gold for the country, doon tayo magconcentrate.

On what the government should do now that the vice president was relieved from ICAD?

SP Sotto: Wala namang pagbabago because the appointment of Vice President Robredo was co-chair of the inter-agency committee. The inter-agency committee works with or without a co-chair, so wala akong nakitang pagbabago.

Q: What should be done? Leni is saying na hindi daw siya titigil...

SP Sotto: Hindi, kasi hindi yata nabigyan ng talagang focus kung ano ang dahilan, kung bakit inappoint ang VP na co-chair. Ako, ang tingin ko, and in my opinion, the real reason of the President is for her to see the extent of the drug problem up close and personal kaya ganun. Kaya siya inappoint doon, hindi para maging executive doon sa anti-drug abuse program ng gobyerno or the control policy program of the government.

Q: (Unclear)

SP Sotto: I will leave it to the constitutional amendments or the constitutional convention or a constituent assembly if ever he so decides.

Q: Magandang idea ba yun?

SP Sotto: Depende. It works for the United States, I do not know if it will work for us. Medyo iba ang kultura natin.

Q: Pero pag ganun, amendment sa Constitution?

SP Sotto: Amendment sa Constitution yun kaya hindi madaling idea yun. We can only realize that kung magkakaroon tayo ng con-con or con-ass.

Q: Naalala ninyo kung ano yung worst experience ninyo sa SEA Games sa ibang bansa nung nagcompete kayo?

SP Sotto: Pagkain. Pangit ang pagkain, kaunti pa. Malamig.

Q: Malamig yung pagkain?

SP Sotto: Oo. Kaya nangyayari, yung NSA namin ang nagpoprovide. Yung Philippine Bowling Congress during that time, which is now the Philippine Bowling Federation, during that time, (unclear) namin yun. Bibili kami or papakainin kami ng iba dahil yung available na pagkain ay hindi namin gusto. Tapos sa venue, yung mga bowling lanes, ayaw ipakita sa amin yung oiling condition. Hindi raw kami pwedeng magpractice, pero sila nagpaparactice. Yung oiling condition, which is very crucial in a bowling tournament, hindi pakikita sa amin, malalamannamin yun during the day of the tournament. Mga ganung mga sistema.

Q: Paano kayo nakapagpractice noon?

SP Sotto: Nagpapractice kami dito, pagdating doon, hindi kayo pagprapractesin sa bowling center, so mangyayari sa amin, just to warm up magpapractice kami sa ibang bowling center, pero magkaibang lane condition yun so mahirap. Agrabyado kaagad kami. Meron pa ngang panahon, hindi ko na babanggitin kung sinong bansa yan baka magreklamo pa, pero alam nila yan, they would know who I am talking about, yung five man team event, Magkakaiba ng lane yan, pair-pair, lahat ng lipatan namin na lane, nagre-rerack yung lane ng kanila. Pinapalitan ng magaan na pin. Yung sa amin mabibigat. Mga ganun, yun ang mga experiences, if you are asking me for experiences ng host countries, na napuntahan ko.

Q: What about transpo, sagot dapat ng host countries syempre?

SP Sotto: Hindi rin. Usually ilalagay ka sa malapit sa venue. O kaya, kayo ang kukuha. Kung ayaw ninyo, Kunyari, may reklamo ang NSA nung ibang bansa, hindi nila gusto yung accommodation, eh di kumuha kayo ng accommodation ninyo. Lumipat kayo sa malapit sa venue or whatever. Ganun ang ginagawa namin and it happens to us. Wala pang social media noon kaya walang pumapatol sa mga reklamo namin. Katulad ngayon, kaunting merong kibot, nakasabog na yung reklamo, pero ang totoo niyan, lahat niyan ginagawa nung araw.

Q: Over-all the visitors are treated better compared to the previous games (unclear)?

SP Sotto: Oh yes. Treated much better.

Q: Dapat grateful pa sila...

SP Sotto: I am sure they are not. Ang focus nila, manalo. Yan ang nakakalimutan natin, ang focus nitong mga bisitang ito, manalo kaya dapat yun din ang focus natin at yung mga reklamo, pasok dito, labas dito. May trouble-shooter na organizing committee para ayusin yun.

Q: Kasi ang reklamo din daw po we spent around P17 billion for this and yet ito lang yung binigay natin?

SP Sotto: Hindi naman P17 billion.

Q: P11 billion infra, P6 billion operations.

SP Sotto: That is a different story. That is an internal issue that we can handle and we can tackle later on. Pwede nating malaman kung paano ginasta yung P6 billion na galing doon sa 2019 GAA.

Q: You also support an investigation?

SP Sotto: Syempre. Makikita naman natin, there will always be a report. There should be a report. Paano nangyari, paano ginasta yan. That is different from what I am talking about. That's completely different, wag nila imimix yan, baka akala nila ay pinoproteksyunan ko yung gastos, hindi. I am talking about the social issues na pinag-uusapan.

Q: Kasi sinasabi we spent so much and yet sa food, kikiam lang daw...

SP Sotto: Doon ko nirerelate, di ba? Yan ang sinasabi ko, wag ihalo yung gastos doon sa mga nangyayaring ganun kasi for example, yung caterer nung sinasabing nagpakain ng kikiam, baka alam niya gustong gusto niya yung kikiam niya, masarap yung kikiam niya lkaya yun ang hinain niya. Katulad noon, may naghahain ng dinuguan, ayoko, hindi ako kumakain ng dinuguan, kung hindi si Helen ang nagluto, paano yun, magrereklamo ako? Irereklamo ko ngayon? Dinuguan lang ang pinakain sa amin? Wag ganun. Wag natin patulan yung mga ganun. Tapos irerelate sa P6 billion. Hindi ganun. Ang isasagot ko sa NSA na yun, eh di bumili kayo ng pagkain ninyo. Ganun ang ginagawa sa amin. That's why pag sila na ang host, ganun din ang gawin nila dahil ganun ang ginagawa sa amin.

Q: Pero naglilista na kayo nung mga sinasabing mali?

SP Sotto: Minsan niraraise namin during the event itself pero ang nangyayari, hindi naman kami pinapansin. Oo lang, after the games wala na, nakakalimutan na lahat yan pag may mga medalyang nakasabit na diyan, kalimutan na.

Q: Dapat stop muna nila yung mga paninisi?

SP Sotto: Asikasuhin muna nila kung paano manalo yung mga atleta, yun ang importante. Yung mga reklamo ng mga bisita, pasensiya kayo, talo kayo. Ganun ang mentality ng champion. Gusto natin magchampion, wag natin tulungan ang kalaban. Yung bare minimum ng dapat nating ibigay, yun dapat ang ibigay natin, wag natin i-OA.

Q: Ano yung mga games na personally papanoorin ninyo?

SP Sotto: Bowling, malamang swimming, and then golf.

Q: Magsessesion tayo?

SP Sotto: Oo.

Q: Budget mamaya?

SP Sotto: Kasi kailangan tapusin namin ang amendments next week, tapos bicam, and then we need to pass the anti-terrorism act.

Q: Paano natin gagawin yung amendment?

SP Sotto: Yung mga nabanggit na during the period of interpellations, pwede nang isubmit at tatanggapin na ng Committee on Finance yun, ililista na nila yun. Yung mga hindi pa, pwedeng gawin on the floor. Pwede ring isubmit nila in writing. Basta iaapprove namin on the floor.

Q: Madugo pa ba yung period of amendments?

SP Sotto: Depende kung may mga reklamo doon sa mga amendment, hahaba yan. Kung hindi naman, okay na yun.

Q: Walang assurance of approval ngayon?

SP Sotto: Today? No, not today.

Q: Kailan ang target?

SP Sotto: Next week siguro, baka Monday. I doubt it, I don't know, ask Senator Angara.

Q: Kasi ang target, bicam is first week of December?

SP Sotto: Oo nga eh first week of December, December 6. Hindi naman December 1.

Q: Yung sin tax maihahabol?

SP Sotto: Priority? Oo. Inaayos lang namin yung mga figures.

Q: Sin tax, anti-terror, ano pa?

SP Sotto: Baka yung coco levy. Ewan ko kung gusto ni Cynthia pagusapan yung rice tariffication.



*WORK from HOME and START YOUR OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at www.hostwinds.com



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=96548.0

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: