normal_post - TAXPAYERS KAILANGAN PA RING MAG-FILE NG ITR - Philippine Daily News Author Topic: TAXPAYERS KAILANGAN PA RING MAG-FILE NG ITR  (Read 200 times)

MIKELIGALIG.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • avatar_1382_1499847132 - TAXPAYERS KAILANGAN PA RING MAG-FILE NG ITR - Philippine Daily News
  • Posts: 23467
  • medal1 - TAXPAYERS KAILANGAN PA RING MAG-FILE NG ITR - Philippine Daily Newsmedal2 - TAXPAYERS KAILANGAN PA RING MAG-FILE NG ITR - Philippine Daily Newsmedal3 - TAXPAYERS KAILANGAN PA RING MAG-FILE NG ITR - Philippine Daily News
  • NEED A WEBSITE? email me: info@mikeligalig.com
    • Share Post
xx - TAXPAYERS KAILANGAN PA RING MAG-FILE NG ITR - Philippine Daily News
TAXPAYERS KAILANGAN PA RING MAG-FILE NG ITR
« on: January 02, 2018, 08:08:50 AM »
TAXPAYERS KAILANGAN PA RING MAG-FILE NG ITR ALINSUNOD SA LUMANG TAX LAW 

Press Release - Pinaalalahanan ni Leyte 2nd District Representative Henry Ong ang mga individual income taxpayers: hindi saklaw ng bagong Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act ang 2017 income. 

"Ang kinita at sweldo nating mga taxpayer nitong katatapos lang na taon ay bubuwisan alinsunod sa lumang batas kapag nag-file na tayo income tax returns o ITR bago ang deadline sa April 16, 2018. Kaya naman, kailangan pa rin natin ng withholding tax certificate para sa inyong 2017 ITR," ani Ong, kasapi ng House Committee on Economic Affairs.

Samantala, nakasaad naman sa Section 13 ng Republic Act 10963 o TRAIN Act na ang mga kumikita ng hindi lalagpas sa P250,000 sa buong taon simula 2018 ay hindi na kailangan pang mag-file ng ITR. 

Kaso lang, may nakikita si Ong na magiging problema ng ilang mamamayan sa 2019 tax filing season.

"Kailangan kasi ang ITR bilang document requirement sa loans, negosyo, o iba pang bagay na kailangan ng proof of income. Kaya naman sana ngayon pa lang makagawa na ng paraan ang BIR para may substitute sa requirement para dito," wika ni Ong. (END)

^^^^^^^
Book your place/hotel/apt to stay on your next travel at www.booking.com



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=88854.0
Romans 10:9-10
"If you declare with your mouth, Jesus is Lord, and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. For it is with your heart that you believe and are justified, and it is with your mouth that you profess your faith and are saved."

Get FREE 500GB cloud storage:
https://www.pcloud.com/welcome-to-pcloud/?discountcode=fDiE7jtC01VPbCIygaM67jZV



Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via tumblr Share via twitter

 

SMF spam blocked by CleanTalk
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2019, SimplePortal