FB Repost
"Bayanihan: We Heal as One"
Bilang pakikiisa sa gobyerno na maiwasan ang paglaganap ng COVID-19, sinimulan ng SOCOTECO II ang pamamahagi ng mga relief goods, protection at hygiene kits at iba pang supplies sa Munisipyo ng Malungon at Alabel ngayong araw, Abril 7, 2020.
Kasama sa gawaing ito ang One EC Network Foundation Inc. ng 121 electric cooperative sa Pilipinas, ONE-EC MCO Movement at ng RECOBODA Partylist. Prioridad ng pagtulong na ito ang ating mga frontliners at ibang ahensya ng lokal na pamahalaan para patuloy nilang magampanan ang kanilang mga trabaho ng ligtas at malayo sa banta ng COVID-19.
Samantala, ipagpapatuloy naman bukas ang pamamahagi sa mga natitira pang mga supplies at relief goods sa iba pang munisipyo na sakop ng prangkisa ng SOCOTECO II.
Nananawagan rin ang kooperatiba sa lahat MCO's na makibahagi sa laban kontra COVID-19 sa pamamagitan ng pananatili sa kani-kanilang pamamahay. ###
* Stay at Home and START YOUR OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.wirenine.comLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=92459.0