MALAKING AYUDA PARA SA MGA BINAGYO: by John Unson
Isang pribadong mining company, ang Sagittarius Mines Incorporated (SMI) na nag-laan ng P1 million para sa mga biktima ng Bagyong Paeng sa ibat-ibang probinsya, nag-paabot ng mga hiwalay na ayuda kahapon, Byernes, November 4, 2022, sa Sultan Kudarat at sa Maguindanao del Sur.
Ang pinakamataas na opisyal sa Mindanao ng SMI, si Roy Antonio, ang mismong naghatid ng mga relief supplies, mga tsinelas at sleeping mats, sa mga capitolyo ng Maguindanao del Sur sa Buluan at sa Sultan Kudarat sa Isulan.
Personal na tinanggap ni Sultan Kudarat Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu, ni provincial administrator Rodolf John Redondo at ni Lovely Joy Hallegado, na siyang provincial disaster risk reduction management officer ng probinsya ang hindi bababa sa isang toneladang mga relief supplies para sa mga biktima ng Bagyong Paeng sa mga bayan ng Lebak, Kalamansig at Palimbang.
Ang SMI, isang malaking mining firm, ay kontratado ng national government, at hindi ng anumang lokal na pamahaalan lang gaya ng municipal o provincial government, na magmina ng copper sa bayan ng Tampakan sa South Cotabato kung saan, ayon sa mga expertong mga Pilipino at mga Australians at Europeans, ay mayroong hindi bababa sa US$ 200 billion na halaga ng copper deposits.
Unang nahatdan ng SMI nitong ring Byernes, November 4, 2022, ng mga relief supplies, kabilang na ang mga tsinelas at mga sleeping mats, ang provincial capitol ng Maguindanao del Sur sa bayan ng Buluan.
Magkatuwang na tinanggap ang mga relief supplies mula sa SMI ni Datu Nasrullah “Babyboy” Imam, na isa sa mga namamahala ng provincial disaster risk reduction and management office ng Maguindanao del Sur, at ng abugadong si Cyrus Torreña na siyang provincial administrator ng naturang probinsya.
Magkahiwalay na nagpasapalamat si Maguindanao del Sur PDRRMO Imam at si Gov. Mangudadatu, first-termer governor na nahalal nito lang nakalipas na May 9, 2022 elections.
Sa kanyang pakikipag-usap sa mga SMI officials, ang batang-batang governor na si Datu Pax, bantug bilang visionary leader sa kanyang mga supporters, marami sa kanila mga millennials, ay nagpahayag na hindi siya tutol sa mining activities basta’t ito ay gagawin ng naa-ayon sa batas, sa responsableng paraan, at makaka-paunland ng mga mahihirap na mamamayang nasa mga mining sites dahil sila ang nararapat na makabenepisyo dito.
Ang bayan ng Columbio sa Sultan Kudarat ay isa sa mga magiging host towns kung saan nakatakdang mag-o-operate ang SMI, kabilang na ang mga bayan ng Tampakan sa South Cotabato, ang Malungon sa Sarangani, at ang Kiblawan sa Davao del Sur. --- NOVEMBER 5, 2022
Get FREE 1024GB of cloud storage at
www.terabox.comLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=123446.0