Breaking News: Nirerespondehan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang RoRo vessel na nasusunog sa katubigan ng Real, Quezon ngayong araw, ika-23 ng Mayo 2022.
Sa inisyal na imbestigasyon, bumiyahe mula Polillo Island ang naturang barko sakay ang 124 pasahero bandang 5AM papuntang Real, Quezon.
Naganap ang insidente nang makarating ang barko 1,000 yarda mula Port of Real.
Sa mga oras na ito, nagpapatuloy ang search and rescue (SAR) operation.
Naihatid na sa pinakamalapit na ospital ang anim na pasaherong nangangailangan ng tulong medikal.
Liban sa PCG, tumutulong din sa SAR operation ang mga RoRo vessels sa naturang katubigan.
[Progress report to follow]
Photos by Vincent Bardog Caceres
(
https://www.facebook.com/vincent.caceres/posts/10217828530820079)
#DOTrPH

#CoastGuardPH
#MaritimeSectorWorks
* * * * * * *
Avail of easy and fast online loan at
www.tala.com Philippines
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=122338.0