RAMPA NG TAGUMPAY!
Matapos ang aming mga paalala ukol sa amats driving at hindi pagpapataas ng blood alcohol content, tila merong kaming nasaksihang driver na naging mabuting halimbawa!
Tila natanggal ang angas at amats ng isang lalaking SUV driver matapos siyang sampahan ng kaso ng nakabanggaan nitong babaeng SUV driver noong Martes ng madaling araw.
Nagkabanggaan ang dalawang driver sa Quezon City, sa lakas ng impact, nawasak ang unahan at likurang bahagi ng dalawang sasakyan.
Sa sobrang sama ng loob ng babaeng SUV driver, inireklamo nito ang lalaking SUV driver at nagkaharap sila sa presinto ng QCPD kasama ang ating mga operatiba sa I-ACT LTO Anti-Drunk and Drugged Enforcement Unit.
Ayaw umamin ng lalaking SUV driver na siya ay merong amats.
Para fair and square daw ang labanan, hinamon nito ang babaeng SUV driver na masumailalim silang pareho sa field sobriety test at alcohol breathalizer test.
Dito na nagkaalaman ang dalawa. Matagumpay ang pagrampa ng babaeng SUV driver sa field sobriety test dahil pumasa siya at nasa 0.000% ang kanyang blood alcohol concent.
Tila napahiya maigi ang lalaking SUV driver dahil pumalo sa 0.186% ang kanyang blood alcohol content.
Sinampahan siya ng kasong Reckless Imprudence Resulting to Damage to Property at paglabag sa Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013 (RA 10586).
Tila mahirap humamon ng babaeng determinado at nasa tama. Kaya laging tatandaang huwag magmaneho ng merong amats!
#DOTrPH

#IACTPH

* * *
Avail of easy and fast online loan at
www.tala.com Philippines
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=122817.0