PATULOY PA RIN ANG SERBISYO NG LIBRENG SAKAY PARA SA MGA APOR AT HEALTHCARE WORKERS SA BUONG BANSA SA ILALIM NG SERVICE CONTRACTING PROGRAM!
Press Release - Patuloy ang pag-arangkada ng LIBRENG SAKAY sa NCR at sa buong bansa sa ilalim ng Service Contracting Program bilang tugon sa kautusan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur P. Tugade na LIBRENG tulungan ang ating mga essential workers na bumibiyahe sa kani-kanilang mga trabaho.
Sa huling tala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) mula ika-29 ng Marso hanggang ika-27 ng Mayo 2021, nasa 8,609,410 ang ridership sa ilalim ng LIBRENG SAKAY.
Ipinagbibigay alam din ng LTFRB na ang mga onboarded PUV drivers hanggang ika-30 ng Abril 2021 sa programa ay makakatanggap ng one-time incentive na P25,000. Kung ang PUV driver naman ay mao-onboard mula ika-1 ng Mayo hanggang ika-15 ng Hunyo 2021, P20,000 ang kanyang matatanggap na one-time incentive.
Bukod pa rito, maaring makatanggap ng dagdag na P7,000 ang mga PUV drivers na kasali sa programa kung sila ay maglolog-in sa Systems App nang limang (5) araw sa loob ng isang linggo.
Lubos ang pasasalamat ng DOTr at LTFRB sa malasakit at serbisyo na inihahatid ng mga operator at driver para sa ating mga commuter!
Inaasahan din sa mga susunod na linggo ang pagtaas ng bilang na maseserbisyohan ng libreng sakay dahil ito'y magpaptuloy hindi lang sa NCR kundi pati na rin sa buong bansa—isang makabayang serbisyo sa ilalim ng Service Contracting Program para sa ating HCWs at APORs.
Regular na bisitahin ang LTFRB Official Facebook page para sa mga karagdagang impormasyon na ilalabas, patungkol sa Service Contracting Program sa mga susunod na araw. Para naman sa mga karagdagang katanungan, maaring tumawag sa LTFRB Program Implementing Unit Office - (02) 8529 - 7111 loc 845 o sa LTFRB 24/7 Hotline: 1342.
STAY SAFE AND HEALTHY!
#LTFRB #DOTr

#ServiceContractingProgram
#WeHealAsOne
#LibrengSakay
#EssentialWorkers
#SakayNa
Best Website Host:
www.bluehost.comLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=121285.0