MAGKASUNOD NA SUNOG, NAITALA SA LOOB NG ISANG MALL SA BRGY. SAN MANUEL, LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA
Dalawang magkasunod na sunog ang naitala sa loob ng isang mall sa Brgy. San Manuel, lungsod ng Puerto Princesa bandang alas 6:20 ngayong gabi, August 21, 2024.
Ayon kay Fire Officer II Jessmar Villano ng Bureau of Fire Prorection Puerto Princesa, una umanong nasunog ang ilang laruan sa 2nd floor ng naturang mall na sinundan ng pagkasunog ng mga damit sa may bahagi ng department store sa ground floor.
Aniya, bago ang nasabing insidente sa ground floor ay may napansin umano ang mga diser na kahina-hinalang indibidwal, kaya't maaari umanong sinadya ito dahil wala namang ibang bagay sa lugar na maaaring pagmulan ng apoy.
Hindi na rin umano lumaki ang mga naturang sunog dahil agad din itong naapula habang magpapatuloy naman ang gagawin nilang imbestigasyon hinggil sa insidente.
Samantala, sinusubukan pang kunan ng Super Radyo ang panig at opisyal na pahayag ng pamunuan ng naturang mall. | via Kenneth Calumris
📷 Puerto Princesa City Fire Department
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=125664.0