TINGNAN: Sumuko ang siyam na Indonesian sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at humiling na makatuloy muna sila sa custodial facility ng ahensya nitong Biyernes, Mar. 7.
Inamin nilang dati silang empleyado ng isang POGO hub na nagsasagawa ng iba’t ibang scam.
Ang mga sumuko ay hindi nababayaran nang buo ang kanilang sahod. Senyales ito ng labor trafficking.
Hiling nila na makauwi sa kanilang bansa kaya kusa na silang sumuko.
Nangako ang PAOCC na agad nitong aasikasuhin ang repatriation ng mga naturang dayuhan. (Courtesy: PAOCC) | via Isaiah Mirafuentes
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=126159.0