Monday, June 25, 2007
Masaklap ang sinapit na kapalaran ng isang Pinay domestic helper na matapos gulpihin ay pinatay pa sa sakal ng kanyang malupit na Egyptian employer sa Doha, Qatar.
Sa tinanggap na report ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon, kinilala ang biktima na si Melissa Taghoy Leseniana, 24 anyos.
Ang bangkay ni LeseÂniana ay natagpuan ng mga kasamahan niyang domestic helper sa loob ng kanyang silid sa isang gusali sa Al Mishaal St. nitong nakalipas na HuÂwebes.
Ayon sa mga kasaÂmang domestic helper ng biktima, nakarinig sila ng kalabugan mula sa silid ilang oras bago nadisÂkubre ang bangkay. May galos at pasa sa katawan at may bakas rin na sinaÂkal ang biktima.
Nasa kustodya na ng Doha Police ang employer ni Leseniana haÂbang kumilos na rin ang Embahada ng Pilipinas para mapauwi ang bangÂkay sa Pilipinas at maÂbigyan ng hustisya ang pagkamatay ng biktima. (Joy Cantos)
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=1782.0