News: ICYMI: Arestado na naman sa ikalawang pagkakataon ang isang dating myembro ng Baywalk Bodies na si Kat de Santos dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga.
Kasamang naaresto ng dating sexy actress ang isang dating myembro ng Armed Forces of the Philippines na si Fidel Samson na myembro rin ng Philippine Military Academiy Class '87.
Nahuli rin ang tatlong iba pa nilang mga kasabwat na sina Victor Ronquillo, Ferdinand Parado at Lisa Cuenco.
Nadakip sila sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA at QCPD sa Iba St., Brgy. Salvacion, La Loma, Quezon City.
Batay sa report, nakahalata pa ang grupo na pulis ang kanilang ka-transaksyon kaya mabilis na tumakas ang mga ito gamit ang isang SUV.
Nagkahabulan ang mga otoridad at ang grupo ng mga suspek hanggang sa lungsod ng Maynila, ngunit nakabundol ang mga suspek habang tumatakas sa bahagi ng Tecson St., Leonor Rivera, Brgy. 379 kaya na-korner sila ng otoridad.
Nakumpiska sa kanila ang 120 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P816,000, ilang armas at mga bala.
news.mikeligalig.comLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=121989.0