Author Topic: PARTY-LIST NA KINIKILAN LUMANTAD  (Read 564 times)

Pikoy

  • EXPERT
  • ***
  • Posts: 2871
  • Trip trip Lang :) walang basagan ng borit!
    • View Profile
PARTY-LIST NA KINIKILAN LUMANTAD
« on: October 01, 2012, 01:32:59 PM »


( ALAM nanawagan )

HINIMOK ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) ang iba pang aspiranteng party-list na naging biktima ng tangkang pangingikil ng dalawang empleyado ng Commission on Elections (Comelec) na makipagsanib-puwersa sa pagnanais na tuligsain ang pang-aabuso sa karapatan na kumatawan sa marginalized na sector ng lipunan.

“Alam namin na maraming mga aplikante sa party-list, tulad ng ALAM, ang tinanggihan ng akreditasyon dahil hindi sumang-ayon sa maling gawi ng ilang tiwaling opisyal/empleyado ng COMELEC na walang takot na humingi ng salapi kapalit ng pag-apruba sa kanilang application for accreditation,” anang ALAM sa kanilang pahayag.

Ipinaramdam rin ng ALAM ang kanilang desperasyon sa Comelec dahil imbes paimbestigahan ang mga nasasangkot na empleyado at opisyal ay agad nagbanta na sasampahan ng libel ang nagbunyag na opisyal ng ALAM.

“Ang tanging paraan para maibahagi natin ang ating paniniwala sa pagtaguyod ng ating mga prinsipyo at pagsanggalang sa ating karapatan na kumatawan sa ating mga miyembro ay ang magkaisa laban sa korupsyong nagbibigay ng dungis sa COMELEC,: dagdag pa ng ALAM.

Ayon naman kay national chairman Jerry Yap, “Nanawagan ako sa inyo na makipagtulungan sa laban naming ito, na linisin ang electoral system at mawalis ang mga tiwaling opisyal sa COMELEC na gumigiba sa pundasyon ng ating demokrasya na nakaluklok sa ating karapatan na maghalal ng mga taong karapatdapat mamuno sa ating bansa.”

Ang ALAM umano ay handang sumuporta sa lahat ng adbokasiyang na magpapabalik sa kredibilidad ng politika at halalan.

Nanawgan din ang ALAM na hindi dapat matakot dahil ang ipinaglalaban nila ay kabutihan ng lipunan laban sa katiwaliang dumudurog sa kalayaan at mga karapatan dala ng kasamaan sa lipunan.



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=55370.0
ang bOrit kUng mAuy mAgdagHan DyutaY ra....

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: