THE HONORABLE NEIL J. ABAYON
AANGAT TAYO Party-list
Assistant Minority Leader
PRC maghihigpit sa CPD training requirement
NURSE-SOLON SA CHED: MAGBIGAY NG TRAINING SA MGA PINOY PROFESSIONALS
Nananawagan ang isang kongresistang registered nurse sa Commission on Higher Education na magbigay ng abot-kayang halagang training para sa mga propesyunal batay sa tagubilin ng Republic Act 10912 o ang Continuing Professional Development Act.
Ayon sa CPD Act, requirement bago makapag-renew ng lisensiya ang pagkumpleto sa continuing professional development (CPD) training.
Inilabas ni AANGAT TAYO Party-list Congressman Neil Abayon ang panawagan matapos ianunsiyo ng Professional Regulation Commission na simula December 1, 2017, di na papayagan ang mga guro makapag-renew ng professional identification card hangga’t di nakaka-kumpleto ng 15 units na CPD training.
“Sang-ayon ako sa layunin ng batas na i-upgrade ang kakayahan at kaalaman ng mga propesyunal; kaso lang, madalas mahal ang training kasi halos puro private firms o private associations lang ang nagbibigay ng CPD. Mabigat ito para sa mga propesyunal gaya ng nurse at guro na di naman mataas ang sahod,†sabi ni Assistant Minority Leader Abayon.
“Bagaman, pinapayagan naman sa implementing rules and regulations ng RA 10912 na magbigay ng CPD trainings ang mga government institutions gaya ng SUCs, kakaunti lamang ang mga SUCs na nag-aalok nito,†paliwanag ni Abayon na isa ring registered nurse.
Heto ang nakikitang solusyon ni Abayon: “Dapat makipagtulungan ang CHED at SUCs sa PRC para makapagbukas ng mas maraming CPD training centers at pag-aralan kung paano gagawing abot-kaya ang halaga ng mga iaalok nilang CPD training.â€
“Ang ilang SUCs ay may mga training institutes at extension centers na maaaring magamit sa CPD training. Meron ding Open University ang ilang SUCs. Ang Open University ay maaaring isang paraan para makapaghatid ng CPD trainings sa mga propesyunal na nasa malayong lugar,†giit ni Abayon.
“Lahat ng ito’y maaari isakatuparan sa bisa ng isang CHED Memorandum o SUC Board Resolutions. Nawa’y bilisan na ng CHED at SUCs ang pagtugon sa panawagang ito,†sabi ni Abayon.
REFERENCES:
http://www.officialgazette.gov.ph/downloads/2016/07jul/20160721-RA-10912-BSA.pdf http://www.prc.gov.ph/uploaded/documents/CPDprovider_NURSE_102617.pdfhttp://web.ched.gov.ph/wp-content/uploads/2017/05/Republic-Act-No.-8292-The-Higher-Education-Modernization-Act-of-1997.pdf Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=88304.0