normal_post - NURSE-SOLON SA CHED: MAGBIGAY NG TRAINING SA MGA PINOY PROFESSIONALS - Philippine Daily News Author Topic: NURSE-SOLON SA CHED: MAGBIGAY NG TRAINING SA MGA PINOY PROFESSIONALS  (Read 289 times)

MIKELIGALIG.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • avatar_1382_1499847132 - NURSE-SOLON SA CHED: MAGBIGAY NG TRAINING SA MGA PINOY PROFESSIONALS - Philippine Daily News
  • Posts: 23638
  • medal1 - NURSE-SOLON SA CHED: MAGBIGAY NG TRAINING SA MGA PINOY PROFESSIONALS - Philippine Daily Newsmedal2 - NURSE-SOLON SA CHED: MAGBIGAY NG TRAINING SA MGA PINOY PROFESSIONALS - Philippine Daily Newsmedal3 - NURSE-SOLON SA CHED: MAGBIGAY NG TRAINING SA MGA PINOY PROFESSIONALS - Philippine Daily News
  • NEED A WEBSITE? email me: info@mikeligalig.com
    • Share Post
THE HONORABLE NEIL J. ABAYON
AANGAT TAYO Party-list
Assistant Minority Leader
PRC maghihigpit sa CPD training requirement
NURSE-SOLON SA CHED: MAGBIGAY NG TRAINING SA MGA PINOY PROFESSIONALS

Nananawagan ang isang kongresistang registered nurse sa Commission on Higher Education na magbigay ng abot-kayang halagang training para sa mga propesyunal batay sa tagubilin ng Republic Act 10912 o ang Continuing Professional Development Act.

Ayon sa CPD Act, requirement bago makapag-renew ng lisensiya ang pagkumpleto sa continuing professional development (CPD) training.

Inilabas ni AANGAT TAYO Party-list Congressman Neil Abayon ang panawagan matapos ianunsiyo ng Professional Regulation Commission na simula December 1, 2017, di na papayagan ang mga guro makapag-renew ng professional identification card hangga’t di nakaka-kumpleto ng 15 units na CPD training.

“Sang-ayon ako sa layunin ng batas na i-upgrade ang kakayahan at kaalaman ng mga propesyunal; kaso lang, madalas mahal ang training kasi halos puro private firms o private associations lang ang nagbibigay ng CPD. Mabigat ito para sa mga propesyunal gaya ng nurse at guro na di naman mataas ang sahod,” sabi ni Assistant Minority Leader Abayon.

“Bagaman, pinapayagan naman sa implementing rules and regulations ng RA 10912 na magbigay ng CPD trainings ang mga government institutions gaya ng SUCs, kakaunti lamang ang mga SUCs na nag-aalok nito,” paliwanag ni Abayon na isa ring registered nurse.

Heto ang nakikitang solusyon ni Abayon: “Dapat makipagtulungan ang CHED at SUCs sa PRC para makapagbukas ng mas maraming CPD training centers at pag-aralan kung paano gagawing abot-kaya ang halaga ng mga iaalok nilang CPD training.”

“Ang ilang SUCs ay may mga training institutes at extension centers na maaaring magamit sa CPD training. Meron ding Open University ang ilang SUCs. Ang Open University ay maaaring isang paraan para makapaghatid ng CPD trainings sa mga propesyunal na nasa malayong lugar,” giit ni Abayon.

“Lahat ng ito’y maaari isakatuparan sa bisa ng isang CHED Memorandum o SUC Board Resolutions. Nawa’y bilisan na ng CHED at SUCs ang pagtugon sa panawagang ito,” sabi ni Abayon.

REFERENCES: http://www.officialgazette.gov.ph/downloads/2016/07jul/20160721-RA-10912-BSA.pdf  http://www.prc.gov.ph/uploaded/documents/CPDprovider_NURSE_102617.pdf
http://web.ched.gov.ph/wp-content/uploads/2017/05/Republic-Act-No.-8292-The-Higher-Education-Modernization-Act-of-1997.pdf   

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=88304.0
Romans 10:9-10
"If you declare with your mouth, Jesus is Lord, and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. For it is with your heart that you believe and are justified, and it is with your mouth that you profess your faith and are saved."

Get FREE 500GB cloud storage:
https://www.pcloud.com/welcome-to-pcloud/?discountcode=fDiE7jtC01VPbCIygaM67jZV



Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via tumblr Share via twitter

 

Latest Topics

Carlos Celdran by Ma. Isabel Ongpin by MIKELIGALIG.com
[Today at 06:39:42 AM]


Ghana and Philippines Energy Cooperation by MIKELIGALIG.com
[Yesterday at 09:51:35 PM]


Salary increase in Bohol by MIKELIGALIG.com
[October 12, 2019, 09:51:43 PM]


Bohol governor speaks at Asia Pacific Leaders Forum by MIKELIGALIG.com
[October 12, 2019, 09:28:48 AM]


Barangay officials meet with Gov Art Yap by MIKELIGALIG.com
[October 12, 2019, 09:25:04 AM]


Fastcat Cebu-Tubigon Fare Rate by MIKELIGALIG.com
[October 12, 2019, 09:22:07 AM]


Tubigon-Cebu Boat Schedule Fastcat by MIKELIGALIG.com
[October 12, 2019, 09:15:39 AM]


Cebu-Tubigon Fastcat Boat Schedule by MIKELIGALIG.com
[October 12, 2019, 09:13:50 AM]


Fastcat Contact Number by MIKELIGALIG.com
[October 12, 2019, 09:12:06 AM]


How Much Philippine Politicians Get by MIKELIGALIG.com
[October 12, 2019, 09:09:10 AM]

SMF spam blocked by CleanTalk
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2019, SimplePortal