The Philippines > Philippine Daily News

LTFRB Memo 2018-003 Affecting TNVS Drivers

(1/1)

MikeLigalig.com:
KAUTUSAN NG LTFRB NA NAGTATAKDA NG TNVS COMMON SUPPLY BASE LIMIT, PINAREREBISA

Malulugi ang TNCs at maraming TNVS drivers ang mawawalan ng trabaho kapag ipinatupad ang LTFRB Memo 2018-003

Hinimok ni KABAYAN Party-list Representative Atty. Ciriaco Calalang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na rebisahin ang kapapalabas pa lang nitong Memorandum Circular 2018-003 na nagtatakdang limitahan sa 45,000 lang ang bumibiyaheng Transport Network Vehicle Service (TNVS) sa Metro-Manila.

“Tataas ang pamasahe sa Transport Network Companies (TNCs) gaya ng Uber at Grab at libu-libong mga TNVS ang mawawalan ng kita dahil sa bagong direktiba ng LTFRB. The common supply base decision has the effect of being anti-entrepreneur, when the country needs more entrepreneurs,” giit ni Calalang.

Paliwanag ni Calalang: “Natural lamang na kapag sobrang kaunti ng ‘supply’ ng TNVS sa lansangan, tataas ang presyo; kapag sobrang dami naman, babagsak ang presyo na ikahihina ng kita ng mga TNVS drivers. Mali itong limitasyon na 45,000 TNVS units na itinatakda ng LTFRB.”

Suhestiyon ni Calalang na sa halip na magtakda ng limitasyon na, dapat ang i-set ng LTFRB ay ang minimum na dami ng mga TNVS na bumibyahe sa lansangan para matiyak na laging may TNVS na masasakyan ang publiko.

Dapat rin umanong patuloy na bantayan ang price surge sa mga TNVS, dagdag ni Calalang.

“Ang tumpak na papel ng LTFRB ay protektahan ang commuters sa sobrang taas na pamasahe. This would serve TNCs and TNVS notice that they cannot manipulate supply for price gouging purposes,” ani Calalang.

Inirekomenda rin ni Calalang na bago mag-June 2018 ay:

1. magbukas ng mga bagong Public Utility Jeepney routes;
2. magtakda ng mas maiigsing PUJ routes; at
3. gawing permanente ang mga ruta para sa point-to-point passenger Public Utility Buses (PUBs).

“Pabor sa PUJ operators at drivers ang mga hakbang na ito. New PUJ routes and shorter PUJ routes will make for more profitable operations for the jeepneys while also reducing vehicle volume along major roads,” dagdag ni Calalang.

“More P2P buses will address jeepney supply shortages because of the PUV modernization program,” aniya.

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=89068.0

Navigation

[0] Message Index

Go to full version