BOMBO NEWS EXCLUSIVE!!!
Bislig City Mayor Navarro ibinunyag sa Bombo Radyo ang investment scam ni Kapa founder Joel Apolinario; Mayor Navarro tinangka ding i-frame up ni Apolinario
KORONADAL CITY- Nagpahayag ng kahandaan si Bislig City, Surigao del Sur Mayor Librado Navarro na makipagtulungan sa PNP 12 kaugnay sa mga kasong kinakaharap ni Kapa Founder Joel Apolinario.
Sa eklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Bislig City Mayor Navarro, nasa mahigit 100 kaso ang kinakaharap ni Kapa founder Joel Apolinario at 27 Arrest Warrants dahil sa panloloko sa mga mamamayan sa Surigao del sur.
Dagdag pa nito na maraming buhay ang sinira ng nasabing investment scam na nangulimbat ng milyon-milyong piso sa nasabing lugar bago ito tumakas patungong Sarangani Province matapos di nasustain ang pyramiding scam na nangangako ng 30% sa kanilang na-invest na pera.
Hinamon din ni Mayor Navarro ang PNP 12 at National Bureau of Investigation 12 na tugisin si Apolinario upang mapanagot sa panlolokong ginawa sa mga kababayan nito sa Surigao del Sur kung saan handa ang Bislig PNP na makipagtulungan.
Samantala ibinunyag din nito na sinubukan din siyang siraan at i-frameup ni Apolinario gamit ang pera matapos mabunyag ang investment scam nito sa pamamagitan ng pagpapakalat ng paninirang hinihingian niya si Apolinario ng milyong pera upang manahimik ito sa isyu ng investment scam.
For more updates monitor, like, share and visit:
BOMBO MOBILE APP on your Android and Iphones
Official fb page: facebook.com/bomboradyokorondal
Live streaming:
www.bomboradyo.com/koronadalOfficial website of Bombo Radyo Philippines:
www.bomboradyo.comSave the link
https://tubagbohol.mikeligalig.comLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=89738.0