“The Philippines is not a haven for international drug couriers. Don’t test our patience and limits.â€
Ito ang babala ni NAIA-Customs District Collector Carlos So sa mga dayuhang gustong magpuslit ng illegal na droga sa bansa gamit ang NAIA bilang transit point.
KINOMPISKA ng Customs officials sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang may 8.7 kilo ng cocaine mula sa isang pasaherong Indonesian na kinilalang si Duwi Wulandari na tinatayang nagkakahalaga ng P50 milyon. Si Wulandari ay nabatid na nakapagbiyahe na mula Indonesia patungong China, Peru, Brazil, at Dubai. Kahapon ay unang biyahe sa Maynila, pero nabigo siyang makapagpuslit ng droga sa bansa. (JERRY YAP)
Nauna rito, inaresto ng mga tauhan ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Biazon ang isang ginang na Indonesian national nang makompiskahan ng cocaine, na tinatayang nasa mahigit 8 kilo at nasa P50 million ang halaga sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City kamakalawa ng gabi.
Sa report na isinumite kay Biazon ni Legal and Investigation Customs police Byron Carbonell, head ng Task Force React, BoC, NAIA, kinilala ang suspek na si Dwi Wulandari, nasa hustong gulang at nasa custody ng tanggapan para sumailalim sa isang masusing interogasyon.
Sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong 5:10 ng hapon sa Terminal 1, PP#T581457, sakay ng flight EK 332.
Nabatid na nasakote ng grupo ni Carbonell ang dayuhang ginang dahil sa kwestiyonableng timbang ng dala niyang suitcase at habang tinatanong, itinitanggi niya na hindi niya pag-aari ang nasabing bagahe.
Ngunit habang tumatanggi ang suspek, napag-alaman na ang claim tag na hawak niya ay parehong numero mula sa kahina-hinalang bagahe.
Dahil na hindi maipaliwanag ng suspek, agad pinigil ng mga tauhan ni Biazon at idinitine muna sa exclusion room ng NAIA para inspeksiyonin ang kahina-hinalang suitcase ng suspek.
Dito nadiskubre na ang laman ng suitcase ay fiber glass plastic, na nakalagay ang pinaghihinalaang droga, na nababalutan ng carbon.
Matapos isailalim sa examination, nadiskubre na ito ay positibong cocaine, tinatayang nasa 8.7 kilos at nagkakahalaga ng P50 million.
Inatasan ni Biazon ang kanyang mga tauhan na ihanda na ang mga kaukulang kasong isasampa laban sa dayuhang suspek.
Ang naging hakbangin ng BoC ay may kaugnayan sa sunod-sunod na serye ng anti-drug operation na isinasagawa ng Task Force React, base na rin sa mahigpit na kautusan ni Biazon.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=55371.0