Kasama sa listahan ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Arturo Cacdac Jr., ang anak ni Ilocos Sur Gov. Luis ‘Chavit’ Singson na si dating Cong. Ronald Singson sa 53 pulitiko na sangkot diumano sa drug trade.
Gayunpaman, agad na kinuwestiyon ni House minority leader Danilo Suarez ang pagkakasama ng pangalan ng dating kongresista dahil naresolba na umano ang kanyang kaso sa Hong Kong.
“That’s why I object to General Cacdac, why do you have to include the name of a former colleague whose case is already settled, tapos na. ‘Yung case naman ng aming kasamahan ang allegation persoÂnal consumption eh,†ani Suarez sa kanilang lingguhang press conference.
Magugunita na nahulihan ng droga ang daÂting kongresista sa Hong Kong noong 2010 kung saan nakulong ito ng mahiÂgit isang taon sa nasabing Chinese territory.
Ang listahan ay personal umanong ibinigay ni Cacdac kay Suarez nang bumisita ang opisyal sa kanya noong nakaraang taon kung saan 53 pulitiko ang nasa listahan ng PDEA kasama na si Singson.
“He gives me a copy. Off hand, I am not satisfied with the list because ine-involved mo pa ‘yung dating congressman eh tapos na ang kaso nito, si Ronald, isinama niya eh. Ronald is not a pusher, he is a user. Bakit mo pa isasama dito sa report mo, tapos na iyon,†ani Suarez.
Kabilang sa nasa listahan umano ni Cacdac ay isang dating mayor, isang mayoralty candidate sa 2013 elections, isang kandidato sa provincial board, 13 barangay councilmen, dalawang municipal councilor, isang vice mayor, daÂlawang municipal mayor at isang city councilor.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=59386.0