Author Topic: Employee of Citibank Runs Away with 100 Million Pesos from Clients  (Read 943 times)

MikeLigalig.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 33317
  • Please use the share icons below
    • View Profile
    • Book Your Tickets on a Budget
Naglahong parang bula si Bryan Ang, vice president ng Citibank, isang higanteng dayuhang bangko sa Binondo branch.

Nagtatrabaho si Bryan bilang opisyal ng Citigold Wealth Management kung saan karamihan sa mga kliyente ay ang mga Tsinoy.

Hawak niya ang mga eksklusibong kliyente na may mga depositong hindi bababa sa P4 milyon.

Ayon sa Web site ng Citibank, mga eksperto ang namamahala rito pero lumilitaw na marami ang naloko ni Ang.

Nitong Agosto, nadiskubreng daang milyong piso ang nadispalko umano ni Bryan Ang.

Sa affidavit na ibinigay sa ABS-CBN News ng isang Citibank depositor, higit P10 milyon ang nawala sa kanyang time deposit.

Napeke umano ni Bryan ang pirma ng kliyente. Binago rin daw ang address para hindi makarating sa kanya ang mga bank statements.

Ayon sa Citibank, nangako si Ang nang mas mataas na interes sa aktwal na interes ng bangko at nagbigay sa mga kliyente ng matataas na referral fee na hindi ibinibigay ng Citibank.

Ayon pa sa ilang source sa bangko, naging maluho ang pamumuhay ni Ang.

Linggu-linggo, iba-ibang mamahaling relo ang kanyang suot. Katunayan, binayaran niya mula sa account ng isang kliyente ang isang mamahaling relo na nabili mula sa Lucerne, tindahan ng mamahaling relo.

Si Ang ay panganay na anak ni Manila Councilor Bernie Ang.

Nakausap ng ABS-CBN si Councilor Ang sa telepono at sinabi niyang dalawang linggo na niyang hindi nakikita ang anak.

Wala rin daw siyang alam sa gusot na kinasangkutan nito.

Tumangging humarap sa kamera ang ilang biktima ni Bryan dahil ilan sa kanila ay hindi pa nababayaran ng Citibank.

Hawak nila ang ilang time deposit certificates, na ayon sa bangko ay peke.

Ayon naman sa Citibank, sinibak at kinasuhan na nila si Brian Ang.

Bagama't patuloy ang imbestigasyon ng Citibank, nilinaw nito na "isolated case" ang nangyari at ginagawa nila ang lahat para protektahan ang kanilang mga kliyente. – Ces Drilon, Patrol ng Pilipino

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=31486.0
John 3:16-18 ESV
For God so loved the world, that he gave his only Son (Jesus Christ), that whoever believes in him should not perish but have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but in order that the world might be saved through him. Whoever believes in him is not condemned, but whoever does not believe is condemned already, because he has not believed in the name of the only Son of God.

👉 GET easy and FAST online loan at www.tala.com Philippines

Book tickets anywhere for planes, trains, boats, bus at www.12go.co

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: