TINGNAN| Labi ng Pumanaw na NPA, Naihatid na sa Kanilang Tahanan; Amang Kinuha at Hinikayat ng Karapatan-Southern Tagalog, Naliwanagan sa Katotohanan.
Maayos na naihatid ang labi ni Marife Gayadan alyas Agnes, ang nasawing NPA sa engkwentro sa pagitan ng 4th Infantry (Scorpion) Battalion at pwersa ng NPA sa San Vicente, Roxas, sa kanilang tahanan sa Paluan Occidental Mindoro kasama ang kaniyang mga magulang at mga kapatid sa tulong ng kasundaluhan ng 4IB sa pamumuno ni Lt. Col Erwin Glenn D. Romero at Alpha Company ng 2nd CMO Battalion ngayong ika-22 ng Disyembre taong kasalukuyan.
Matapos ang masusing pagsisiyasat ng kapulisan ng Roxas MPS sa mga dokumentong dala ng kaniyang ina at mga kapatid, matagumpay na naibigay ang kustodiya ng bangkay ni alyas Agnes sa kaniyang pamilya.
Naging matagumpay ang proseso ng pag-release sa labi ni alyas Agnes sa kaniyang pamilya dahil sa pakikipag-ugnayan ng kasundaluhan sa pamilya at mga kaanak ni alyas Agnes. Agad ding humingi ng tulong ang kasundaluhan sa opisyales ng barangay, Punong Bayan ng Paluan Occidental Mindoro at Roxas Oriental Mindoro, at National Commission on Indigenous People - Oriental Mindoro upang makompleto ang mga dokumentong hinihingi ng kapulisan ng Roxas.
Sa kabilang banda, napakalaki ng epekto ng presensya nina Delia Gayadan at kaniyang mga anak upang mabawi si Tatay Pepe, ama ni alyas Agnes mula sa nagpakilalang mga Paralegal Team (Karapatan-Southern Tagalog). Naging madamdamin ang pagkikita ng pamilya dahil awang-awa ang mga ito sa sinapit ng haligi ng tahanan na ilang araw ginawang sunud-sunuran ng Paralegal Team upang maghasik ng kaguluhan at kasinungalingan.
Labis naman ang pagkadismaya ng may-ari ng punerarya na umasikaso sa bangkay ni alyas Agnes sa Karapatan-Southern Tagalog dahil matapos silang papasukin ng may-ari noong umaga sa punerarya upang di mabasa sa ulan, pagbabanta, pag-eeskandalo, at pangangalampag sa gate ng punerarya na naging sanhi ng pagkasira nito sa kalaliman ng gabi ang kanilang iginanti.
Patuloy ang panawagan ng himpilan ng 4th Infantry (Scorpion) Battalion sa mga mamamayan na maging mapagmatyag at huwag hayaang malinlang ng Karapatan-Sounthern Tagalog na walang tigil sa paninira sa dignidad ng mga katutubo at opisyal ng pamahalaan.
@followers
@topfans
#AFPyoucanTRUST
#4thinfantryscorpionbattalion
#BantayKapayapaan
#2ndinfantryjunglefighterdivision
#Army127
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=126013.0