#BSPScamAlert: MAG-INGAT SA MGA KAHINA-HINALANG WEBSITE NA GUMAGAMIT NG PANGALAN O LOGO NG BSP
Hinihikayat ng BSP ang publiko na maging mapanuri sa mga social media o website content na ginagamit ang pangalan at logo ng BSP. Agad ipagbigay-alam ang mga kahina-hinalang mensahe sa mga sumusunod:
Bangko Sentral ng Pilipinas
Address: A. Mabini St. cor. P. Ocampo St., Malate, Manila, Philippines
Contact Number: (+632) 8811-1277 or 8811-1BSP
E-mail Address:
[email protected] Maaari ring i-report ang mga scammers sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- DICT-Cybercrime Investigation and Coordinating Center:
https://cicc.gov.ph/report/ - PNP Anti-Cybercrime Group Complaint Action Center:
https://acg.pnp.gov.ph/contact-us/ Samantala, makipag-ugnayan agad sa official channels ng inyong bangko o e-money issuer kung nakumpromiso ang inyong account, credit card o personal na impormasyon. Tingnan ang directory ng mga consumer assistance channels:
https://www.bsp.gov.ph/SitePages/InclusiveFinance/ConsumerAffairsDir.aspx Kung hindi nabigyan ng sapat na aksyon ng bangko o e-money issuer ang inyong hinaing, ipagbigay-alam agad ito sa BSP sa pamamagitan ng BSP Online Buddy o BOB. Makakausap si BOB sa pamamagitan ng mga sumusunod:
🔵 I-click ang BOB icon sa BSP website (
www.bsp.gov.ph)
🔵 Mag-chat sa Facebook Messenger ng BSP (
https://www.m.me/BangkoSentralngPilipinas/)
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa BSP Consumer Assistance Mechanism, bisitahin ang:
https://bit.ly/BSPCAM Protektahan ang sarili sa scams at iba pang uri ng panloloko! Gawin ang #CPR - #CheckProtectReport 👍🏼
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=125675.0