Author Topic: BATAS VS ‘NAKAW LOAD’ ISINULONG  (Read 577 times)

Pikoy

  • EXPERT
  • ***
  • Posts: 2871
  • Trip trip Lang :) walang basagan ng borit!
    • View Profile
BATAS VS ‘NAKAW LOAD’ ISINULONG
« on: October 01, 2012, 01:36:38 PM »
   
Monday, 01 October 2012 01:37


Isang panukalang batas ang ipinasa sa Kongreso para pwersahin ang mga kumpanya ng telekomunikasyon na magbigay ng pang-araw-araw na customer billing report at matigil ang “nakaw load.”

Ang Panukalang Batas 6335 ay isinulat ni Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco na nakatanggap ng maraming reklamo sa pagkawala ng mga pre-paid load ng mga cell phone users.

Ayon kay Velasco dapat protektahan ang may 100 milyong pre-paid mobile phone subscribers sa mga mapanlinlang na gawain ng ibang kumpanya ng telekomunikasyon.

Paliwanag niya, bigla na lang nawawala ang load credits sa users’ accounts na mapipilitan na naman ang mga subscribers na bumili  o madagdag sa kanilang billing.

Sa ilalim ng panukala, ang mga kumpanya ay dapat maglagay ng ulat sa dami na ginawang tawag ng subscribers at kung ilan ang pinadala at natanggap nilang mga mensahe, ang haba ng twagan, at summary ng charges sa mga tawag at text messages.

Kapag tuluyang maging batas ang panukala, ang mga kumpanya ay papatawan ng P500,000 sa unag paglabag; P1 milyon sa pangalawa; at P5 milyon sa pangatlo.

Ayon pa kay Velasco, kahit na ang Smart, na may mahigit 60 porsiyentong subscribers, ay may prublema din sa “nakaw load.”

Nireklamo ng mga subscribers na nababawasan sila ng P10 credits halos araw-araw at hinihinalang mga advisory at promo messages ang dumadagdag pa ng P1 hanggang P2.50 sa bawas sa  bawat padala nito sa subscribers.         

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=55372.0
ang bOrit kUng mAuy mAgdagHan DyutaY ra....

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: