By Bobby C. Ticzon
People's Journal
Isang bagong silang na batang lalaki ang itinapon ng hindi nakilalang salarin sa Bacolod Bridge sa Amulung, Cagayan.
Sinasabing kasisilang lang ng biktima batay sa nakakabit pa nitong umbilical cord.
Sa ulat, isang residente ng Barangay Bacolod ang nakakita sa sanggol kaya’t mabilis na ipinaabot sa kaalaman ni Insp. Franklin Tabinggo, ng Bureau of Fire Protection.
Matapos makita ang sanggol na nakasilid sa isang plastic bag at wala nang buhay, kaagad na ipinagtanong-tanong kung may nakakakilala sa sanggol.
Ayon kay Tabinggo, bali ang balakang at basag ang bungo ng sanggol dahil sa pagtama sa malalaking bato na nasa ilalim ng tulay matapos itapon ng hindi nakilalang suspek.
Dahil walang umangkin sa bangkay ng bata, kaagad itong inilibing ng mga opisyal ng nasabing barangay sa Amulung Public Cemetery.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=20992.0