Daily Bible Verse

Provided by Christianity.com Bible Search

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Author Topic: Armed Group in Mindanao  (Read 104 times)

MikeLigalig.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 34030
  • Please use the share icons below
    • View Profile
    • Book Your Tickets on a Budget
Armed Group in Mindanao
« on: December 17, 2024, 04:40:12 PM »

𝐏𝐥𝐚𝐧𝐮𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐠𝐮𝐥𝐨 𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐦𝐚𝐝𝐨𝐧𝐠 𝐠𝐫𝐮𝐩𝐨 𝐬𝐚 𝐒𝐆𝐀, 𝐧𝐚𝐩𝐢𝐠𝐢𝐥𝐚𝐧


𝑪𝑨𝑴𝑷 𝑺𝑰𝑶𝑵𝑮𝑪𝑶, 𝑨𝒘𝒂𝒏𝒈, 𝑫𝑶𝑺, 𝑴𝒂𝒈𝒖𝒊𝒏𝒅𝒂𝒏𝒂𝒐 𝒅𝒆𝒍 𝑵𝒐𝒓𝒕𝒆 – Binawian ng buhay ang isang myembro ng armadong grupo matapos makipagbarilan sa 34th Infantry Battalion sa Barangay Mudseng, Kadayangan, SGA, BARMM madaling araw noong Lunes (December 16, 2024).


Sa impormasyon mula kay Lt. Col. Edgardo Batinay, 34IB Commanding Officer, planong maghasik ng gulo ang mga armadong kalalakihan sa Brgy. Mudseng sa nasabing lugar ng SGA BARMM.


“Habang nagsasagawa tayo ng mobile patrol, biglang nagpaputok ang mga armadong kalalakihan. Tumagal ng 20 minuto ang engkwentro na naging sanhi ng pagkasawi ng isang armadong indibidwal.”, ayun kay Lt. Col. Batinay.


Nabawi ng mga kasundalohan ang isang Cal. 50 Sniper, isang M14 Rifle, tatlong Rifle Grenade, mga bala at magazine na ngayon ay nasa pangangalaga ng PNP. Iniimbestigahan naman ngayon ng pulisya ang insidente habang nakikipag-unayan kaagad ang awtoridad sa mga Barangay Officials para mabigyan ng disenteng libing ang nasawing armadong indibidwal.


Agad na pinuri ni Brig. Gen. Donald Gumiran, 602Bde Commander ang kasundalohan ng 34IB sa agarang pagtugon para hadlangan ang masamang balak ng mga armadong grupo.


“Napanatili natin ang katahimikan at kaayusan sa bahagi ng SGA BARMM dahil sa inyong mahusay na pagtupad sa mandato na protektahan ang mga sibilyan laban sa sumisira sa kapayapaan.”, pahayag ni Brig. Gen. Gumiran.


Nanawagan naman si Maj. Gen. Antonio G. Nafarrete, JTF Central at 6ID Commander laban sa mga armadong grupong nagbabalak manggulo at sirain ang kaayusan at kaunlaran na tinatamasa ng karamihan.


"Bukas ang aming mga pintuan para sa mga taong pipiliin na isuko ang kanilang mga armas. Ang hindi tutugon ay kahaharapin ang kamay ng batas at mananagot sa kanilang maling hakbangin. Ang JTF Central at 6ID ay nananatiling nakatuon sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon sa pamamagitan ng ating pagtutulungan at kooperasyon. Nagpapasalamat din ang buong JTF Central at 6ID sa ugnayan ng komunidad, Barangay Local Government Units at PNP sa agarang impormasyon at aksyon laban sa mga lawless elements sa nasabing lugar.”, mensahe ni Maj. Gen. Nafarrete.


#kampilannews
#kakampisakapayapaan
#HukbongKatihanNgBagongPilipinas
#ServingthePeopleSecuringtheLand


𝗪𝗲 𝗶𝗻𝘃𝗶𝘁𝗲 𝗲𝘃𝗲𝗿𝘆𝗼𝗻𝗲 𝘁𝗼 𝗹𝗶𝗸𝗲, 𝗳𝗼𝗹𝗹𝗼𝘄, 𝗮𝗻𝗱 𝘀𝗵𝗮𝗿𝗲 𝗼𝘂𝗿 𝗻𝗲𝘄 𝗮𝗻𝗱 𝗶𝗺𝗽𝗿𝗼𝘃𝗲𝗱 𝗽𝗮𝗴𝗲 𝗮𝘁 https://tinyurl.com/2p9hm3ck

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=125968.0
John 3:16-18 ESV
For God so loved the world, that he gave his only Son (Jesus Christ), that whoever believes in him should not perish but have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but in order that the world might be saved through him. Whoever believes in him is not condemned, but whoever does not believe is condemned already, because he has not believed in the name of the only Son of God.

👉 GET travel tickets, hotel rooms and all travel needs at www.klook.com

GROW YOUR MONEY FASTER than bank deposits at www.coins.ph

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Tags:
 

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts