Monday, 01 October 2012 01:58
DAGUPAN CITY – Nagbigti ang isang ama dahil sa problema sa pamilya sa bayan ng Alcala sa lalawigan ng Pangasinan kamakalawa.
Kinilala ang biktimang si Romel Perez, 40, residente ng Bgy. Kisikis sa nasabing bayan.
Ayon sa mga awtoridad, problema sa pamilya ang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.
Nagpunta ang biktima sa kubo sa likod ng bahay nila upang magpakain ng mga aso, ngunit pagkaraa’y natagpuan ng kanyang anak na nakabigti.
Ayon pa sa ulat, bago naganap ang insidente ay uminom pa ng alak ang nasabing biktima.
Gayunpaman, inaalam pa rin ng mga awtoridad kung may foul play sa pangyayari.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=55367.0