Author Topic: 51 PNP-ASG, PERSONNEL SINIBAK SA NAKAWAN  (Read 695 times)

Pikoy

  • EXPERT
  • ***
  • Posts: 2871
  • Trip trip Lang :) walang basagan ng borit!
    • View Profile
51 PNP-ASG, PERSONNEL SINIBAK SA NAKAWAN
« on: September 25, 2012, 10:25:45 PM »
HATAW tabloid

nabasa nyo naba to last sept 21 2012


SINIBAK sa pwesto ang 51 airport policemen at personnel kasunod ng serye ng mga insidente ng nakawan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ayon kay Chief Supt. Jesus Gordon Descanzo, director ng Philippine National Police - Aviation Security Group, ang pagsibak sa mga pulis at personnel ay upang maiwasan ang posibleng pakikipagsabwatan sa imbestigasyon kaugnay sa serye ng nakawan sa terminal.

Nauna rito, naaresto si Joven Rivera, 29, sa entrapment operation makaraang makita sa footage ng CCTV camera ang pagnanakaw ng mga bagahe ng mga pasahero.

Isinangkot naman ni Rivera si PO2 Glenn Ausan. Sa written statement, sinabi niyang si Ausan ang nag-utos sa kanya sa pagnanakaw sa mga biktima.

Aniya pa, tinatanggap ni Ausan ang nakaw na mga gamit sa isang coffee shop sa kalapit na Resorts World Manila.

Ibinunyag din niyang binigyan siya ng tip ng dalawang staff ng Office of Transportation Security na nakatalaga sa X-ray counter ng NAIA-3, kung paano mambibiktima.

Nakita rin sa footage ng CCTV cameras ang suspek habang tinatarget ang foreign at local passengers.



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=55142.0
ang bOrit kUng mAuy mAgdagHan DyutaY ra....

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: