SOURCE:
www.abs-cbnnews.comIsa ang patay at pito ang nasugatan nang magkasunod na pasabugin ang bus at terminal ng Yellow Bus sa Koronadal City, Sultan Kudarat bandang 5:30 pm.
Unang sumabog ang bomba na nakalagay malapit sa comfort room ng terminal ng bus. Dito namatay ang pastor na si Winnie Boy Caritan na galing Panabo City.
Nakababa na ang apat na pasahero ng bus kaya walang nasugatan.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, pangingikil o extortion ang nakikitang motibo sa pagpapasabog.
May pinasabog na ding Yellow Bus noong July 7 at nitong July 18.
Ayon kay Robert Kiunitala, Provincial Police Director ng South Cotabato, "Yung managements mismo. Tumawag yung a certain ‘Al-Khobar’. Nagdedemand, di pa daw nag-cocomply yung hinihingi nila. Nag-alert kami pero nakasingit pa rin sila.â€
May ikatlo pang pagsabog. Pero, ito'y mga bagahe na pinasabog ng mga bomb expert sa hinalang may lamang bomba.
Naalarma din ang mga dispatcher ng isa pang terminal, ang Holiday Bus.
May isang bagahe na naiwan sa isang bus at upang makasiguro ay pinaputok na rin ito ng mga otoridad
“Yung mga K-9 natin, inupuuan din yung ibang baggages. Siyempre may indication na possible IED (improvised explosive device) kaya pinasabog na rin namin yung mga naiwan na bagahe," giit pa ni Kiunitala.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad habang itinataas ang alerto sa lahat ng dako ng Koronadal City.
Sugatan sina Danilo Montefrio konduktor ng bus, Modista Aurego, Jerome Gacita, Daisylyn Gacita, Josie Alo at Emmanuel Jamilago.
Tatlong minuto pagkatapos ng pagsabog sumunod namang pumutok ang bomba sa loob ng papaalis na bus papuntang General Santos na may plate number MVR 278.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=3109.0