normal_post - "Desaparacidos" - Philippine Daily News Author Topic: "Desaparacidos"  (Read 1077 times)

buenavista

  • EXPERT
  • ***
  • avatar_64 - "Desaparacidos" - Philippine Daily News
  • Posts: 1281
    • Share Post
xx - "Desaparacidos" - Philippine Daily News
"Desaparacidos"
« on: July 05, 2007, 01:12:48 PM »
Itinanghal ng The CORRESPONDENTS,
Ulat ni Bernadette Sembrano

“Aatras kaim, aatras kami! Ayoko may masaktan ayoko may masaktan, tama na ‘yan, tama na ‘yan!”

Ito ang eksena sa Camp Aguinaldo noong ika-25 ng Mayo. Bagama’t payapa ang picket na ito, tinaboy pa rin sila.

Hindi nila hinihingi ang pagtaas ng sahod o pagbaba ng presyo ng langis. Ang tanong lang nila sa militar: “Nasaan si Jonas?”

Noong Abril 28, 2007 bumandera sa telebisyon, radio at mga peryodiko ang pagkawala ni Jonas Burgos, anak ng sikat na peryodista at human rights activists na si Joe Burgos.

Nasaan na nga ba si Jonas Burgos? Ito ang sigaw ng kanyang pamilya nang mahigit nang isang buwan.

Abril 28 nang dukutin si Jonas ng apat na lalaki sa isang mall sa Quezon City.

Simula noon ginugol ng pamilya Burgos ang kanilang oras at pera sa paghahanap sa anak nilang ang nais lamang ay ang pagbabago.

Marahil para sa karamihan, si Jonas ay isa lamang karagdagan sa mga nawawalang tao sa Pilipinas. Pero para sa kanyang inang si Editha, isang bangungot ito.

Si Jonas ang parang naging mukha ng "Desaparacidos" sa bansa. Kahit saan ka lumingon, may pin, poster o T-shirt na nagtatanong kung nasaan si Jonas.

Dahil dito, mabilis din ang mga lead sa paghahanap sa kanya.

Nakatanggap ng balita ang pamilya Burgos ilang araw makalipas ng pagkawala ni Jonas: mayroon daw lumutang na katawan ng isang lalaki sa Abucay, Bataan, kasingtaas, kasingkulay at kapareho sa paglalarawan sa anak ni Editha.

Hindi si Jonas ang bangkay, naghalong tuwa at lungkot ang naramdaman ng pamilya Burgos ngunit hindi ito pumigil sa kanilang paghahanap sa mahal nilang si Jonas.

Umigting pang lalo ang paghahanap ng pamilya Burgos.

Mula sa pagkakalat ng posters, paglabas sa telebisyon, T-shirts at button pins, pati pagpapadala ng text sa mga kamag-anak at kaibigan, ginawa na nila, lahat nagtatanong, nasaan ba talaga si Jonas Burgos?

Kaibigan ni Sen. Joker Arroyo si Joe Burgos, ang ama ni Jonas. Isa si Joker sa nalulungkot na ang mga bagay na ipinaglaban ng ama ay naranasan din ng anak.

Bukod sa nagpakilalang pulis ang mga kumuha kay Jonas, natunton din ng pamilya Burgos ang sinasabing plaka ng sasakyang ginamit sa pagdukot sa kanya. Nakita ito sa 56th Infantry Brigade sa Norzagaray, Bulacan.

Matagal nang nakatambak ang sasakyang iyon sa kampo.

An plakang TAB-194 ay parehong plaka na nakakabit sa Toyota Revo na ginamit nang dukutin si Jonas.

Kibit-balikat pa rin ang militar kung bakit ang plaka ng XLT na sasakyan at ang plaka ng Revo ay iisa.

Maging ang Commission on Human Rights na nag-imbestiga sa kaso ni Jonas nagtataka tungkol dito.

Habang binubuo ang kwentong ito ay patulioy pa rin ang paghahanap ng pamilya Burgos. Si Editha at ang kanyang mga anak ay walang tigil sa paghahanap at paghahangad na Makita ang kanilang mahal na si "Jayjay."

Pero isa lamang si Jonas. Ilan daang pamilya pa ang naghihintay ng kasagutan sa kanilang mga tanong: nasaan na kaya ang tatay ko, o ang kapatid ko? O ang mga magulang ko?

Pero katulad ni Editha, marami sa kanila, tanggap na nilang hindi nila makukuha ang sagot sa kanilang katanungan.



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=2390.0



Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via reddit Share via twitter
 

SMF spam blocked by CleanTalk
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2019, SimplePortal