Dear Dra. Holmes: (even shorter Oct. 29 letter) 57yrs.old aq at 45yrs.old naman ang asawa q. Ang mrs q isang ofw for 14 yrs. Pg-uwi d2 sa Pinas noong Dec. napuna q puro excuses at walang gana sa sex.
Nalaman q rn sa kanya na gumagamit siya ng sex toy. Naging bastos na ang lumalabas sa kanyang bibig. Naging liberated na siya. Sabi sakin nawala dw ang pgma2hal niya sakin dahil sa kaga2mit ng sextoy.
Sabi niya ngaun hindi na daw siya gumagamit, ramdam q sa sarili q na gumagamit parin siya. Ayaw naman siyang mgsalita ng inge direcho saken. Mahal na mahal q ang asawa q. Dangan lang pg naalala q ang ginawa niya nasa2ktan aq. Sa disyembre ang uwi ng asawa q, inisip q naman pag ginamit q siya iisipin q ang sextoy na pumasok sa kanya.---WEWE
Dear Wewe:Maraming salamat sa sulat mo na inumpisahan nating sagutin noong nakaraang Biyernes, Oktubre 29.
Sa huling kolum natin noong nakaraang Lunes, Nobyembre 8, sinabi ko na, sa aking karanasan bilang sex therapist, ang pinakamahalagang hinahanap ng babae ay hindi technique o kagalingan sa kama pero ang sapat na pagmamahal kaya handang matuto at mag praktis ang lalaki para sa kasiyahan naman rin ng babae sa kama.
Pero isa pa ring kailangan mong maintindihan sana, Wewe, ay ang iyong kahirapang pagtanggap ng dating paggamit ng asawa mo sa mga sex toy.
Ayon sa kaniya ay hindi na siya gumagamit. Palagay ko yan ay dahil mahal ka niya at nahalata niyang naguguluhan at nasasaktan ka dahil ginagamit niya ito. Ang kaniyang pagtigil ay malaking bagay.
Palagay ko rin na hindi siya titigil kung hindi ka niya mahal na mahal.
Dearest Wewe, hindi mo nalang ba kayang mag-concentrate sa kanyang pagmamahal sa iyo, kaysa sa paggamit niya ng sex toy dati?
sors: abanteLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=34262.0