TUBAGBOHOL.com with Ligalig Mike Ortega

Into Your Heart => Love Talk => Topic started by: MIKELIGALIG.com on June 08, 2019, 11:26:30 AM

Title: Don't Shout
Post by: MIKELIGALIG.com on June 08, 2019, 11:26:30 AM
Reposting from Facebook
BAKIT SUMISIGAW ANG TAONG GALIT?

Tatay: Anak alam mo ba kung bakit nagsisigawan ang taong galit kahit magkaharap sila?

Anak: Kasi highblood na po sila

Tatay: Ano pa?

Anak: Kasi nga po galit sila

Tatay: (napangiti sa anak, at sabi nya) Nagsisigawan ang dalawang tao kapag galit kahit magkaharap pa ang mga yan, dahil malayong malayo na ang puso nila sa isat-isa. Malayong malayo na pakiramdam nila, hindi ito maririnig ng isat-isa kung hindi nila isisigaw.

Napapansin mo ba ang dalawang magkasintahan pag nag-usap? malumanay lang at mahina, dinig na nila isat-isa... Bakit? Dahil magkalapit ang kanilang puso.

Yung mga bagong kasal, kahit bulungan lang, dinig na dinig nila... Minsan nga titigan lang, nauunawaan na nila isat-isa. Kasi magkadikit ang kanilang mga puso.

Kaya ikaw anak pagdating ng panahon na galit ka lalo sa iyong asawa o kapamilya, makipag-usap ng maayos at masinsinan... Iwasan mong sumigaw, dahil baka dimo mamalayan, sa kasisigaw mo, masyado nang lumayo ang puso nyo sa isat-isa na baka dumating pa ang panahong gusto mong lumapit, pero di mo na sya makita pa..

"Ang malubay na sagot ay nakapapawi ng poot ngunit ang mabigat na salita ay humihila ng galit."

Get FREE 500GB online storage:
https://www.pcloud.com/welcome-to-pcloud/?discountcode=fDiE7jtC01VPbCIygaM67jZV

Title: Re: Don't Shout
Post by: balong on June 09, 2019, 01:52:04 AM
(https://scontent.ftpa1-2.fna.fbcdn.net/v/t1.15752-9/62643045_374428513447521_6201178845454794752_n.jpg?_nc_cat=100&_nc_oc=AQkk7YwfmQyyxoDuZAXRGi7Xj69Bv9k9h02iMmviMcf4XQQUvajB-tO0gk57d8NISME&_nc_ht=scontent.ftpa1-2.fna&oh=ebd3aeaa2b234ffe11a1280c04114d27&oe=5D9401B7)
you are the BOSS. sunod lang ko nimo. tabonan
lang akong MOUTH para dili maka SHOUT      ::)
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2019, SimplePortal