Misis patay, anak kritikal sa rape try ni kumpare
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Albay --- Patay ang isang ginang habang kritikal ang 12-anyos nitong anak matapos pagsasaksakin ng kumpare ng kanyang mister na nagtangkang gumahasa sa kanyang maybahay sa Tinambac, Camarines Sur, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Dead on the spot sanhi ng tinamong 'di pa batid na bilang ng saksak sa katawan si Maria Cano, 37.
Kritikal naman ang 12-anyos nitong anak na sadyang 'di na pinangalanan sanhi ng tinamong tatlong saksak sa katawan, kapwa taga-Sitio Kilometro Gapo, Bgy. Salvacion. Patuloy naman ang manhunt operation sa suspek na si Jerry Collantes, kapitbahay at kumpare ng asawa ng biktima.
Sa ulat na sa Police Regional Office (PRO) 5 sa Camp Simeon Ola kahapon, naganap ang insidente pasado alas-11:00 ng gabi kamakalawa nang samantalahin ng suspek ang pag-alis ng mister ng biktima upang mangisda.
Nabatid na habang natutulog ang ginang kasama ang walo nitong anak ay hinalay ito ng suspek habang tinutukan ng patalim. Nanlaban ang ginang at dahil sa ingay ay uminit ang ulo ng suspek at pinagsasaksak ito.
Sinubukan namang sumaklolo ng 12-anyos na anak kaya pati ito ay idinaÂmay.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=63064.0