normal_post - Wanted Azukarap Group - Philippine Provinces Author Topic: Wanted Azukarap Group  (Read 81 times)

mikeortegaligalig

  • STUDENT
  • *
  • Posts: 435
    • Share Post
clip - Wanted Azukarap Group - Philippine Provinces
Wanted Azukarap Group
« on: December 11, 2019, 05:21:03 PM »
By Radyo Bida NDBC
Mga kabataang sangkot sa grupong Azukarap sa bayan ng Mlang, North Cotabato patuloy na tinututukan ng mga otoridad

MLANG, NORTH COTABATO-Patuloy ngayong tinututukan ng mga otoridad sa bayan ng Mlang, North Cotabato ang mga kabataang miyembro ng grupong Azukarap.

Ito ang inihayag ni Mlang Mayor Russel Abonado sa panayam ng Radyo Bida.

Ayon sa alkalde, bagama’t hindi ganoon kadami ang mga miyembro nito, pero ikinaalarma nito ang kaso ng isang 16-anyos na batang babae matapos na mabuntis nang pumasok sa nasabing grupo.

Ikinalungkot ng alkalde ang naging kaso nito dahil hindi alam ng nasabing bata kung sino ang ama ng dinadala nito.

Inihayag din ng alkalde na may mga barangay sa nasabing bayan kung saan patuloy na nang re-recruit ang nabanggit na grupo lalo na sa mga pampublikong paaralan sa Bagontapay, New Rizal, Nueva Vida at Lika.

Ayon pa sa ulat na karamihan aniya sa mga miyembro ng Azukarap sa kanyang bayan ay nasa edad 18-anyos pataas pero nang-eengganyo pa rin ang mga ito ng mga menor de edad.

Kaugnay nito, iniutos na ng alkalde sa pulisya, Rural Health Unit at DSWD ang pagpapalakas pa ng Information Education Campaign ukol sa masamang epekto ng pre-martial sex lalo na sa mga kabataan.

* Today's Helpful Tip *
Tala app is a fast and easy way to borrow money, and it's used and trusted by many. Download Tala to join millions of Filipino users today! >>> http://inv.re/9o3vp



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=91788.0



Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via reddit Share via twitter
 

SMF spam blocked by CleanTalk
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2020, SimplePortal