Uyab Gidunggab Kay Wala Magpahalok
by Bulgar News
Isang dalaga ang pinagtataga sa hanggang mapatay ng kanyang boyfriend nang tumanggi umano ang babae na makipaghalikan sa huli kamakailan.
Nakilala ang nasawi na si Cristina Apable Magbanua, 19, habang agad namang nadakip ang suspek na si Arnel Fernando, kapwa residente ng nasabing lugar.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, naglalakad ang biktima kasama ang kanyang ina nang bigla umanong lapitan ng kanyang nobyong si Fernando at tinangkang halikan subalit umiwas ang biktima kaya nagalit ang suspek at agad inilabas ang dala nitong bolo saka pinagtataga ang dalaga.
Sa rami ng sugat na natamo agad itong binawian ng buhay.
Wala na ring nagawa ang kanyang ina at tumakbo na lamang ito dahil tinangka rin siyang patayin ng suspek.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=51222.0