Anim na Irrigators Association sa bayan ng Mlang nabiyayaan ng Rice Threshers
Pormal ng tinanggap ni Gov. Nancy Catamco ang anim (6) na rice threshers na nagmula sa DA RFO 12. Kabilang ito sa kanilang commitment na makipagtulungan sa tanggapan ng Gobernadora upang mabigyang ayuda ang mga magsasaka ng palay na nalugi dahil sa napakababang presyo ng bilihan.
Ngayong araw ay nagbigay ng anim na rice threshers sa para sa anim na Irrigators association ng Mlang. Ito ay ang, BNBL irrigators associstion, Bagontapay, Mlaris Div. A (BIMADU) Bialong, MlarisDiv. B (LIDANAMA) Lika, BL IA Buayan, DLS IA Langkong at Sitio Baneza Communal IA New Barbasa Mlang. Abot sa 780,000 ang kabuuang halaga ng anim na farm equipment.
Pinasalamatan ni Gov. Nancy Catamco ang DA 12 sa pamumuno ni Regional Director Arlan Mangelen at DA12 AMAD Chief Esmael Intao, sa anim na thresher. Kanyang sinabi na ang Probinsya at DA 12 ay magkatuwang sa pagbibigay ng mga programa para sa pagpapaunlad ng kabuhayan nga mga magsasaka.
Nag-iwan din ng hamon ang Gobernadora na alagaan at maging good steward ang mga benepisyaryo sa mga proyekto at programa ng gobyerno. Dagdag pa nito na "ang magsasaka sana ay maging maagap sa pagtugon sa mga pagbabago na nagaganap lalong lalo na sa mga hamon ng buhay at pagsasaka."
Kasama ng Gobernador sa aktibidad si BM Ma. Kristal Piñol-Solis, Dr. Sustines Balanag, mga kawani ng Amas Research and Experimental Station ( AMRES) at mga kawani ng OPAG.
#WeHealAsOne
#MasaganangNorthCotabato
#kuyogta
#Dumaki

*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.fastcomet.com - FREE service to transfer your website from your current webhosting provider.
Latest
RSS FeedsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=116805.0