Daily Bible Verse

Provided by Christianity.com Bible Search

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Author Topic: MY LOVER, MY TORTURER!  (Read 988 times)

Votives

  • EXPERT
  • ***
  • Posts: 1291
  • bisan unsaon, votives lang gihapon...
    • View Profile
MY LOVER, MY TORTURER!
« on: July 03, 2013, 10:53:52 AM »
Paulit-ulit niyang pinatawad subalit paulit-ulit pa rin siyang sinaktan ng lalaking kanyang minamahal kaya hindi na nakapagtiis pa ang isang 34-anyos na ina ng tahanan at nagpasyang tapusin na ang kanyang kalbaryo sa piling ng kanyang ‘lover-torturer’ bago pa siya mapatay nito.

Nangingilid ang luha sa mga matang parehong may blackeye at karga-karga ang kanyang anim na buwang sanggol habang inirereklamo ni Marjorie Jeciel y Cabuhat, ng Barangay Addition Hills, Mandaluyong City, kahapon ng umaga sa Mandaluyong Police, ang huling kalupitang dinanas sa piling ng live-in partner niyang si Nelson Redobante y Malate, 33-anyos na naganap nitong nakaraang Lunes ng hapon.

“Karga ko ang bunso namin na anim na buwan pero bigla niya lang akong pinagsisipa sa tiyan, pinagsusuntok sa mukha kaya nag-iiyak ako habang nagmamakaawa pero parang wala lang sa kanya patuloy niya akong sinasaktan,” pahayag ni Marjorie.

Aniya pa, habang walang tigil ang kanyang pag-iyak ay nag-iyakan na rin at naglapitan sa kanya ang tatlo pa niyang mga anak na naawa sa nakikitang pananakit ng kanilang ama.

Sa kabila nito, hindi pa rin umano tumigil si Nelson sa halip ay kinuha pa nito ang lamesita at dalawang beses itong pinalo sa ulo ni Marjorie.

Nang lupaypay na sa hirap si Marjorie ay kumuha naman umano ng gunting si Nelson.

“Ginupitan niya ang buhok ko nang pauka-uka at parang ginuhitan pa niya ang ulo ko kaya marami akong may sugat sa ulo, pero wala po akong tigil sa pagmamakaawa. Karga ko ang anak ko at lumuhod ako sa kanya,” pahayag pa ni Marjorie.   

“Nang oras na iyon ay iyong mga anak ko pa rin na nag-iiyakan ang naiisip ko. Awang-awa ako sa kanila dahil gusto nila akong tulungan pero wala silang magawa,” ayon pa sa biktima.

Ayon pa kay Marjorie, hindi iyon ang unang pagkakataong nakaranas siya ng pananakit mula sa kanyang lover. Aniya, hindi na niya mabilang kung ilang ulit na siyang sinaktan nito.

Bukod sa nangyari nitong Lunes ng alas-singko ng hapon, tumatak din sa isip ni Marjorie ang pananakit na ginawa sa kanya ni Nelson noong Mayo 29 dahil humantong pa sila sa barangay.

Sa naturang petsa, nagawa pang patawarin ni Marjorie ang kanyang kinakasama dahil na rin sa pagmamahal dito at sa paniniwalang magbabago pa ang pagtrato nito sa kanya. Nagkaayos ang dalawa sa harap ng mga opisyales ng kanilang barangay.

“Lumuhod siya at umiiyak sa harap ko habang nakatingin ang mga opis­yal ng barangay namin kaya po pinatawad ko naman siya, pero ngayon po talagang hindi, hindi na po…,” ani Marjorie.

Inamin din ni Marjorie kay PO2 Monette Langil ng Women’s Children and Protection Desk (WCPD) na nalulong sa bawal na droga si Nelson kung kaya’t lagi na lamang itong naghihinala na nanlalalaki siya.

“Pinaghihinalaan niya po ako na mayroon daw akong lalaki. Paano pa akong manlalaki ay hirap na nga katawan ko sa pagtatrabaho para sa mga anak namin dahil wala naman po siyang trabaho,” pahayag pa ni Marjorie.

Sa loob ng kulungan, inamin naman ni Nelson ang lahat ng akusasyon ni Marjorie.

Aniya, kung muli pa siyang bibigyan ng pagkakataon ni Marjorie ay hinding-hindi na niya ito muling sasaktan.

“Inaamin ko naggagamit ako ng bawal na droga at nasasaktan ko ang misis ko pero dahil mahal ko kasi siya at nagseselos lang ako. ‘Pag bibigyan niya pa ako ng isang pagkakataon, ipapangako ko na hindi ko na siya sasaktan, maghahanap na ako ng trabaho at ilalayo ko na sila ng mga anak namin,” pahayag pa ng nagsisising si Nelson.

Gayunpaman, tulad ng kasabihan: ang pagsisisi ay laging nasa huli kaya tuloy na tuloy na ang reklamo ni Marjorie sa kanyang lover.

“Hindi ko na siya kailangan. Matigas na ang puso ko para sa kanya, baka mapatay niya pa ako,” matigas na pahayag ni Marjorie.


Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=73671.0
Think wisely before you speak and listen intently to the people with fruit on the tree. Break down the barrier of stubbornness and pride otherwise you'll always be a part of the crowd..

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

wardiflex

  • INTERN
  • **
  • Posts: 804
  • wow
    • View Profile
Re: MY LOVER, MY TORTURER!
« Reply #1 on: July 03, 2013, 12:29:41 PM »
pagbibigyan mo pa siya ng isang pagkakataon Marj, hinding hindi ka na nya masasaktan,siguradong dido kana.8)

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=73671.0
kinsa tong mag pa pintal sa ilang balay etc., just inform me, naa koy kaila nga d best.09487352092

Votives

  • EXPERT
  • ***
  • Posts: 1291
  • bisan unsaon, votives lang gihapon...
    • View Profile
Re: MY LOVER, MY TORTURER!
« Reply #2 on: July 03, 2013, 12:48:29 PM »
Think wisely before you speak and listen intently to the people with fruit on the tree. Break down the barrier of stubbornness and pride otherwise you'll always be a part of the crowd..

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Lorenzo

  • SUPREME COURT
  • THE LEGEND
  • *****
  • Posts: 54226
  • Be the change you want to see in the world...
    • View Profile
Re: MY LOVER, MY TORTURER!
« Reply #3 on: July 03, 2013, 01:55:44 PM »
huwag manatili sa isang taong ay saktan ka, ang puso ay masyadong mahalaga. makahanap ng isang tao na ay makadagdag sa iyo. piliin ang tama..

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=73671.0
www.trip.com - Hassle-free planning of your next trip

islander

  • SUPREME COURT
  • THE LEGEND
  • *****
  • Posts: 46867
  • If you're from Pluto, you're welcome.
    • View Profile
    • Book Your Travel Tickets
Re: MY LOVER, MY TORTURER!
« Reply #4 on: July 03, 2013, 02:04:41 PM »
huwag na, marj, huwag na.  hinding hindi iyan magbabago.  kapanipaniwala pang ang kubeta ay magiging rosas.  hayaan mo ang karumaldumal na iyan.

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=73671.0
Republic Act 8485 (Animal Welfare Act of 1998, Philippines), as amended and strengthened by House  Bill 6893 of 2013--- violation means a maximum of P250,000 fine with a corresponding three-year jail term and a minimum of P30,000 fine and six months imprisonment

Book your travel tickets anywhere in the world, go to www.12go.co

Votives

  • EXPERT
  • ***
  • Posts: 1291
  • bisan unsaon, votives lang gihapon...
    • View Profile
Re: MY LOVER, MY TORTURER!
« Reply #5 on: July 03, 2013, 04:22:00 PM »
may tama ka.. hehe karumaldumal na iyan :)

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=73671.0
Think wisely before you speak and listen intently to the people with fruit on the tree. Break down the barrier of stubbornness and pride otherwise you'll always be a part of the crowd..

Lollapalooza

  • LUMINARY
  • ***
  • Posts: 6115
  • \m/ (â—£_â—¢) \m/
    • View Profile
Re: MY LOVER, MY TORTURER!
« Reply #6 on: July 03, 2013, 04:28:31 PM »
Marj, sa panahong ikaw ay nasaktan na nang husto, utak dapat pairalin at huwag ang puso.. Kahit anong gawing pagmamakaawa ng lalaking 'yan, huwag na huwag mong tatanggapin kasi katangahan na iyan pag tinanggap mo pa siya ulit. Isipin mo na lang 'yung kapakanan at kinabukasan ng mga anak mo ^__^ Pagpalain ka nawa ng Diyos.

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=73671.0
"If you ask me what I came into this life to do, I will tell you: I came to live out loud." ~ Emile Zola~  ‎(ᵔᴥᵔ)

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Votives

  • EXPERT
  • ***
  • Posts: 1291
  • bisan unsaon, votives lang gihapon...
    • View Profile
Re: MY LOVER, MY TORTURER!
« Reply #7 on: July 03, 2013, 04:32:41 PM »
marj, love is sweeter at the second time around... pagbigyan mo na kasi, sa tingin ko d mo siya matitiis...

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=73671.0
Think wisely before you speak and listen intently to the people with fruit on the tree. Break down the barrier of stubbornness and pride otherwise you'll always be a part of the crowd..

hubag bohol

  • AMBASSADOR
  • THE SOURCE
  • *****
  • Posts: 89964
  • "Better to remain silent and be thought a fool...
    • View Profile
Re: MY LOVER, MY TORTURER!
« Reply #8 on: July 03, 2013, 04:40:35 PM »
Ano ba namang kamalasmalasan ang naganap sa buhay mo, Marj, na hindi mo natagpuan ang isang matinong tao tulad ni Botoy...

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=73671.0
...than to speak out and remove all doubt." - Abraham Lincoln

Book your travel tickets anywhere in the world, go to www.12go.co

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Tags:
 

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts