Daily Bible Verse

Provided by Christianity.com Bible Search

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Author Topic: Teenager tinamaan ng HIV NAKUHA KO SA BADING  (Read 1006 times)

Votives

  • EXPERT
  • ***
  • Posts: 1291
  • bisan unsaon, votives lang gihapon...
    • View Profile
Teenager tinamaan ng HIV NAKUHA KO SA BADING
« on: July 03, 2013, 09:38:59 AM »
Nakakalungkot at nakakabahalang isipin na pabata nang bata ang dina­dapuan ng sakit na Human Immunodeficiency Virus/Acquired Immunodeficiency Syndrome (HIV/AIDS) kung saan sa 415 naitalang kaso, 55% sa mga ito ay may edad na 17 hanggang 29, na karamihan ay nakuha sa pakikipagtalik sa kapwa lalaki.


Ito ay kasunod nang ma­ngumpisal sa Department of Health (DOH) ang isang binatilyo na nakumpirmang may HIV, na nakuha niya ang sakit dahil sa pakikipagrelasyon sa isang bading.


Anang binatilyo, 17-anyos umano siya nang unang pumasok sa isang relasyon sa kapwa lalaki at nagpaulit-ulit pa dahil na rin sa kagustuhan niyang makapagtapos ng pag-aaral.


Ang lover umano nitong bading ang siyang nagtutustos sa kanyang pag-aaral at sa mga pangangailangan nito gaya ng uniporme, at pang-araw araw na baon at gastusin, habang ang mga magulang nito ang siyang sumasagot ng kanyang tuition fee.


Noong 2012 umano ay naging kapansin-pansin ang pagiging masasakitin ng kanyang karelasyong bading na madalas ay mayroong ubo, sipon at sugat sa labi na hindi naman nila ininda noong una hanggang sa nitong Enero 2013 umano ay kinakitaan na ng sugat sa kanyang ari na inakalang allergy hanggang sa mayroon umanong nagpayo na magpa-HIV screening sa DOH, at doon nakumpirma na mayroon nang full-blown AIDS ang 35-anyos na karelasyon.


Hindi umano itinago sa kanya ng karelasyon ang naturang sakit at pinayuhan siyang magpa­tingin din sa doktor, inabot umano ito ng tatlong buwan bago tuluyang magpasya na magpa-screen din sa DOH, at nitong Mayo ay nakumpirma ang kanyang kinakatakutan na positibo ito sa HIV.


Sa ngayon umano ay hiwalay na ang nasabing binatilyo at ang nakarelasyon nitong bading dahil na rin sa hindi umano nila kapwa matanggap ang kanilang sinapit.

Ang nasa­bing bading ay nasa panga­ngalaga ngayon ng DOH at binibigyan ng libreng gamot habang ang binatil­yo ay nangakong hindi na mu­ling makikipagrelasyon sa kapwa lalaki at umiinom na rin ng anti-viral therapy na makakatulong para mabuhay ito nang mas mahaba at mabawasan ang risk na makapanghawa ito sa iba.


Ayon sa DOH, hindi makikita sa panlabas kung carrier ng HIV/AIDS o hindi ang isang biktima, may ilan umano ang nalalaman na positibo sila sa sakit subalit hindi inaamin dahil na rin sa takot na iwanan o sa rejection.


Ayon sa DOH, 96% sa 415 bagong kaso ng HIV/AIDS sa bansa ay pawang mga kalalakihan dahil na rin sa pagkakaroon ng lalaki sa lalaki na pakikipagtalik.


Bunsod nito, sinabi ni DOH Assistant Secretary Dr. Eric Tayag na pagiging responsable sa pakikipagtalik ang siya pa ring depensa para hindi mahawa ng HIV.



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=73669.0
Think wisely before you speak and listen intently to the people with fruit on the tree. Break down the barrier of stubbornness and pride otherwise you'll always be a part of the crowd..

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

wardiflex

  • INTERN
  • **
  • Posts: 804
  • wow
    • View Profile
Re: Teenager tinamaan ng HIV NAKUHA KO SA BADING
« Reply #1 on: July 03, 2013, 12:41:13 PM »
kinsa tong mag pa pintal sa ilang balay etc., just inform me, naa koy kaila nga d best.09487352092

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Tags:
 

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts