Press Release
SERYE NG PAGLUNSAD NG "TANIMAN 106" MATAGUMPAY NA NAISULONG
Magpet, N.Cotabato (August 31)
Nakompleto sa Brgy Mahongkog, Magpet ang tatlong araw na serye ng paglulunsad ng Provincial Food Security Program na naging paraan ngayon sa pagdiriwang ng ika-106 Foundation Anniversary ng probinsya ng North Cotabato
Tatlong site sa tatlong legislative district ng Probinsya ang napili para sa aktibidad:
(1) Brgy Kitacubong, Alamada ng 1st Legislative District,
(2) Brgy, Nueva Vida, Mlang ng 3rd Legislative District at
(3) Mahongkog, Magpet ng 2nd Legislative District.
Sa serye ng aktibidad, nagsagawa ng symbolic planting ng 106 puno nang mga prutas at gulay bilang hudyat ng simula ng proyekto. Ang selebrasyon ng founding anniversary ay naging kakaiba ngayon dahil naglunsad ng programa ang Gobernadora ng kaugnay sa kampanya laban sa Covid 19.
sa kanyang mensahe, sinabi ng Governor Catamco na nakabuo sya ng Comprehensive Response Task Force bilang tugon sa hamon ng pandemya. " at napabilang dito ang food security, local economy strengthening response, healthcare and health services, and socialized housing," ayon sa Gobernadora.
Sinabi ng Gobernador na lubhang mahalaga ang pagsulong ng programa dahil ito ang magbibigay katiyakan na magkaroon ng sapat na pagkain.
Ipinaliwanag rin ng Gobernador na ang pagtatanim o produksyon ay bahagi ng komprehensibong programa. "Plano rin natin na magtayo ng manufacturing plant ng pagkain na ang mga raw products ay marami sa probinsya."
Naniniwala ang Gobernadora na ang pagsulong ng produktong pagkain, tulad ng chips, wines, candies ay makakatulong ng malaki sa ekonomiya. Magiging bahagi din ito sa paghahanda ng pagbubukas ng Airport sa taong 2021.
Bukas, sa opisyal na araw ng pagdiriwang ng 106 anniversary, isang mass celebration ang gaganapin sa Capitol rooftop at susundan ito ng talumpati na ihahatid ni Governor Nancy Catamco sa mamamayan ng probinsya. Mapapakinggan ito sa mga estasyon ng radyo sa probinsya.

*WORK from HOME and START your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE website transfer
3 Sites Will Make Your Life Easier During Covid Pandemic
www.nordvpn.com - Browse the Internet fast and anonymously and without trace. Unlock blocked sites.
www.kaspersky.com - Download Kaspersky anti-virus to secure your smartphones and laptops. Protect your privacy and financial data from hackers.
www.microsoft.com - Store all your files in the cloud with Microsoft OneDrive's 1TB storage offer.
rss feedsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=115610.0