Tagalog News - Lack of Classrooms in MasbatePatuloy na tinutugunan ng sangay sa Masbate ng Department of Public Works and Highways ang kakulangan sa silid-aralan sa mga pampublikong paaralan.
Ang pagtitiyak na ito ay ginawa ng DPWH District Engineering Office sa lungsod ng Masbate kasunod ng ginagawang open bidding sa walong proyektong imprastraktura sa lalawigan.
Ayon kay Isagani Andrade, ang chairman ng Bids and Awards Committee, lima sa walong proyekto ay gusaling pampaaralan at ang mga ito ay itatayo sa Floro Medina National High School sa bayan ng Mobo at Mataba Integrated School, Luy-a National High School, Tigbao Integrated School at Damaso Rubia National High School na pawang sa bayan ng Aroroy.
Isasagawa rin ang pagkumpuni sa apat na school buildings sa Maingaran Elementary School, Rene Malvar Elementary School, Capitolina Legaspi National High School, at Sinalongan Elementary School na pawang nasa lungsod ng Masbate.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=45243.0