Author Topic: Tacurong City Fatal Car Accident Claims 7 Lives  (Read 335 times)

mikeortegaligalig

  • INTERN
  • **
  • Posts: 987
    • View Profile
Tacurong City Fatal Car Accident Claims 7 Lives
« on: December 13, 2019, 05:47:14 PM »
By TV Patrol South Central Mindanao
Namatay sa disgrasya sa Tacurong City, umakyat na sa 7

TACURONG CITY, Sultan Kudarat - Pito ang patay at apat naman ang sugatan nang banggain ng isang SUV ang dalawang tricycle at isang pick up truck sa highway ng syudad dakung alas-4 ng madaling araw ngayong Biyernes.

Batay sa imbestigasyon, nasa iisang lane at magkakasunod na binabaybay ng mga sasakyan ang highway papunta sa direksyon sa roundball.

Ayon sa hepe ng Tacurong Police Station na si PLtCol Rey Egos, nasa unahan ng SUV ang dalawang tricycle habang nakasunod ang pickup truck sa SUV.

Nabangga ng SUV ang isang tricycle na sakay ang isang pamilya. Humiwalay ang sidecar ng tricycle at bumangga sa concrete pavement. Tumilapon ang mga sakay nito at dead on the spot ang limang pasahero, kabilang ang misis ng driver at apat na anak. Isa naman ang binawian ng buhay sa ospital. Dalawa naman ang sugatan sa kabilang ang driver ng tricycle at isa pa niyang anak.

Nabangga din ng SUV ang isa pang tricycle, sugatan din ang dalawang sakay nito.

Isang pasahero ng SUV ang patay sa disgrasya.

Iniwasan naman ng pickup truck ang SUV kaya bumangga ito sa puno ng mansanitas sa gilid ng highway.

Nasa kustodiya ngayon ng police station ang driver ng SUV na si Dr. Omar Shariff Acob. Maikling pahayag lang ang kanyang binigay at nakahanda syang makipag-ayos sa pamilya ng mga sugatan at namatay.

Dagdag ni Egos, nakainom umano ang duktor nang magmaneho.

Ayon sa kaanak ng mga namatay, papanagutin nila ang duktor sa nangyari.

Nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide, physical injuries at damages to property.

* Today's Helpful Tip *
Tala app is a fast and easy way to borrow money, and it's used and trusted by many. Download Tala to join millions of Filipino users today! >>> http://inv.re/9o3vp



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=91804.0

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: