Author Topic: SPMS Box  (Read 407 times)

mikeortegaligalig

  • INTERN
  • **
  • Posts: 979
    • View Profile
SPMS Box
« on: December 08, 2019, 01:28:19 PM »
Press Release
Maguindanao Government nagpaabot ng tulong sa mga naapektuhan ng tensyon sa SPMS Box

Dalawang dumptruck na lulan ng libo-libong food items ang ipinagkaloob ng Provincial Government ng Maguindanao sa mga residenteng lumikas matapos maapektuhan ng tensyon sa nagpapatuloy na pagtugis ng militar kontra mga armadong grupo sa SPMS Box partikular sa mga liblib na Baranggay ng Shariff Saidona Mustapha.

Ang mga lumikas na pamilya mula Shariff Saidona Mustapha ay pansamatalang nanuluyan sa katabing mga baranggay nito sa Shariff Aguak.

Kahapon, base na rin sa direktiba ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ay tinungo ng PDRRMO katuwang ang militar ang Evacuation Site at pinagkalooban ng tulong ang mga bakwit na pansamantalang nanunuluyan sa mga ng Brgy. ng Tapikan, Brgy Lepok, Brgy Bagong Upam, Brgy Bialong, Brgy Malingaw, Brgy Tina  at Brgy Kuloy sa Shariff Aguak.

Nanguna rin sa relief distribution ang former 2 termer Shariff Aguak Mayor Bai Zahara Upam Ampatuan.

Nagpapasalamat naman ang mga naabutan ng tulong mula sa itinuturing na Agila ng Maguindanao.

Samantala patuloy naman ang pagsisikap ng bagong Administrasyon sa Maguindanao na tuluyang matugunan na ang matagal ng problema sa SPMS Box.

* Today's Helpful Tip *
Tala app is a fast and easy way to borrow money, and it's used and trusted by many. Download Tala to join millions of Filipino users today! >>> http://inv.re/9o3vp



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=91747.0

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: