SHARIFF AGUAK PINARANGALAN SA BARMM 3RD FOUNDATION ANNIVERSARY
Press Release: Kabilang ang bayan ng Shariff Aguak sa mga lokal na pamahalaan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang ginawaran ng parangal nitong araw ng Miyerkules, Enero 19, 2022, sa seremonyang ginanap sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex (SKCC) na itinaon sa ikatlong taong pagdiriwang ng pagkakatatag ng Bangsamoro Government.
Ang bayan ng Shariff Aguak sa ilalim ng pamumuno ng butihing Mayor Engr. Marop Ampatuan ay binigyan ng pagkilala sa mahusay na pamamahala nito at naipasa ang mga kinakailangang dokumento sa Anti-Drug Abuse Council (ADAC) sa taong 2019 at 2020 at ang Local Government Functionality Appraisal (LOGFA) sa taong 2021.
Ang pagkilalang ito ng Bangsamoro Government sa kakayahan ng pamunuan ng lokal na pamahalaan ng Shariff Aguak ay higit na ipinagpapasalamat ng butihing alkalde at ni Vice Mayor Ameir Akmad Salazar Aguak kabilang ang dating Vice Mayor Datu Akmad Mitra Ampatuan.
Pinasasalamatan din ng alkalde ang magaling at masipag na MLGOO JennySham Di-Amp at ang lahat ng bumubuo ng "Team Asenso Shariff Aguak".
#ASENSOShariffAguak
tubagbohol.com
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=121727.0