Nais ng isang senador na paimbestigahan sa Senado ang pamamayagpag ng pyramid scam na nakapambiktima ng libong mga Pinoy.
Ayon kay Senador AquiÂlino ‘Koko’ Pimentel III, gusto niyang malaman kung bakit sa kabila ng pagkakaroon ng sapat na batas ay nakakapag-opeÂrate pa ang ganoong uri ng panloloko.
“Nakakapagtaka dahil ‘di sila natatakot sa kabila ng umiiral na batas laban dito,†ani Pimentel.
Gusto ring malaman ni Pimentel kung bakit nakapag-operate ng ganoon kalawak ang Aman Futures sa Mindanao at ang bago pang nabulgar na pyramid scam sa Quezon City kung saan mga guro rin ang biktima.
Ani Pimentel, nais mabusisi kung nagkaroon ba ng kapabayaan ang mga awtoridad sa intelligence gathering kaya hindi nila natiktikan ang naturang mga panloloko.
Una rito, lumapit kay Pimentel ang mga guro na naging biktima ng pyramid scam sa Quezon City.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=58864.0