Iniimbitahan ko po kayo na bumisita sa Robinsons Place sa aking probinsya ng Antique at tuklasin ang aming mga pinagmamalaking produkto sa "Locally Sourced" exhibit bilang suporta sa mga local entreprenuers at artisans ng Antique.
Ang ating exhibit, na nagsimula noong November 30 at magtatapos sa December 5, ay magsisilbing tulay upang maitaguyod at maipagmalaki ang mga produktong tatak lokal at tatak Antiqueno. Ito ay naisagawa sa pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng Antique, Office of the Provincial Agriculturist, Department of Agriculture, at Robinsons Place Antique.
32 na grupo ng mga exhibitors ang kasali, kasama dito ang mga MSMEs na aking sinuportahan sa ilalim ng DTI Shared Services Facilities, DOLE Pangkabuhayan at iba pang programa ng gobyerno. Kabilang po sa mga produkto na inyong makikita ay ang mga habi ng Malabor sa Tibiao, Sto. Rosario sa Pandan, at Bagtason sa Bugasong; muscovado sugar ng Laua-an; vegetable chips ng Barbaza; turmeric powder tea ng San Remigio; at marami pang iba.
Bilang principal sponsor at isa sa may-akda ng Magna Carta for Micro, Small and Medium Enterprises, hangad ko pong matugunan ang pangangailangan ng ating MSMEs sa pamamagitan ng pagbibigay assistance sa pakikipag-ugyanan natin sa mga ahensya ng gobyerno.
Support lokal! Support our MSMEs! Kruhay Antique!
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=121693.0