Isang rambol ang sumiklab sa loob ng isang bar matapos mag-agawan kung sino ang unang kakanta ng sikat na awiting “Pusong Bato†kahapon ng madaling-araw sa lungsod ng Naga, Camarines Sur.
Dahil sa pangyayari, sa kulungan ang bagsak ng limang kalalakihan na sina Dennis Imperial BuceÂnio, Rex Baltazar, Nathaniel Garcia, James Rial at Benjie Sanchez, matapos magrambulan sa loob ng Hand Sweet Bar sa kahabaan ng Barlin St., ng nasabing lungsod.
Sa ulat ng Naga City PNP, naganap ang kaguluhan pasado ala-una ng madaling-araw nang kapwa na mga lasing ang mga suspek.
Nabatid na tatlo sa mga kalalakihan ang pare-parehong nag-request ng “Pusong Bato†kaya nag-agawan ang mga ito sa mikropono na nauwi sa rambol.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=59389.0